Frontliners ng UP-PGH, pinuri

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 663 total reads

Pinuri at pinasalamatan ng head chaplain ng Philippine General Hospital ang mga frontliners na nagpakita ng katapatan at katapangan sa naganap na sunog sa ospital noong Mayo 16.

Ayon kay Jesuit Priest Fr. Marlito Ocon, ipinakita ng mga healthworkers ang kanilang kabayanihang nagpapatunay na sila’y handang tumupad sa kanilang tungkuling alagaan at iligtas ang lahat ng apektadong pasyente.

“All of them at NICU [Neonatal Intensive Care Unit], I think have done their role and their part… Call it adrenaline rush, or simply call of duty, for me it’s HEROIC,” hango sa facebook post ni Fr. Ocon.

Pagbabahagi ni Fr. Ocon na hindi naging madali ang pag-evacuate sa mga pasyente dahil karamihan dito’y 35 bagong silang na mga sanggol kung saan 27 rito ay nasa kritikal na kondisyon at mayroong life support.

Ngunit sa ipinakitang pagkilos at pagtutulungan ng mga healthworkers ay matagumpay nilang nailikas sa PGH Chapel ang lahat ng sanggol.

[smartslider3 slider=21]

“And one thing is [for] sure, they pushed and shattered their limits to save lives. Bravo to all of you, Nurses, Doctors, NAs, Utility Workers, Security Guards, Police and Firemen. You all have done your part the best you can. Thanks for saving all the angels entrusted to you,” saad ng pari.

Noong naganap ang sunog, agad na binuksan ng PGH Chaplaincy ang chapel nito upang maging pansamantalang masisilungan ng mga inilikas na pedia patients at mga bagong silang na sanggol.

Sa kasalukuyan ay sinisikap na maibalik agad sa normal ang operasyon ng PGH bagamat may mga lugar na sumasailalim pa rin sa clearing at pagkukumpuni.

Samantala, ayon kay Fr. Ocon, mas lalong lumawak ang tinutulungan ng chaplaincy kaugnay ng naganap na insidente, dahil umabot na sa humigit-kumulang 600 pasyente na kinabibilangan ng mga manggagawa, security at utility personnel ang kasalukuyang kinakalinga sa 16 na ward ng ospital.

Bukas naman ang Chaplaincy para tumanggap ng anumang uri ng tulong na nais ibahagi sa mga higit na apekyadong pasyente at ilang kawani ng ospital. Pangunahing pangangailangan pa rin ngayon ng mga pasyente ang mga basic needs tulad ng pagkain at tubig, maging ang diaper at wipes para naman sa mga bata.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 89,191 total reads

 89,191 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 166,664 total reads

 166,664 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 200,112 total reads

 200,112 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 235,411 total reads

 235,411 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 458,452 total reads

 458,452 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,085 total reads

 158,085 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top