‘Fuel Subsidy’ at suspension ng ‘excise tax’; muling ipinanawagan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 764 total reads

Nananawagan ang opisyal ng simbahan sa pamahalaan ang muling pamamahagi ng fuel subsidy at excise tax suspension dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ito ang iminungkahi ni Fr. Jerome Secillano ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Permanent Committee on Public Affairs bilang tugon sa mataas na presyo ng krudo na dahilan din sa pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo.

Isa sa itinuturong dahilan ng oil price hike ay ang patuloy na digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia na nagsimula noong Pebrero.

“Ipagdasal natin at asahang matapos na ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine dahil ito din ang isa sa malaking dahilan ng krisis sa pandaigdigang supply at presyo ng langis,” bahagi ng mensahe ni Fr. Secillano sa Radio Veritas.

Hinikaya’t naman ng pari ang mga ‘commuter’ na unawain din ang kalagayan ng transport sector kung saan pinayagan na ng pamahalaan na magtaas ng karagdagang dalawang piso o P11.00 mula sa dating P9 bilang minimum fare sa mga jeep sa buong bansa ayon sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).

“Asahan na natin na maraming maaapektuhan sa pagtaas ng presyo ng langis, kasama na diyan ang commuters dala na rin ng ipapatupad na minimum na presyo ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan, masalimuot ang usapin ng presyo ng langis dahil wala sa gobyerno ang kapangyarihang pababain ito,” ayon pa sa mensahe ng Pari.

Iminungkahi naman ng pari sa mga simbahan na tulungan ang kanilang mga kawani na maibsan ang pasakit na dulot ng pagtaas ng presyo ng pamasahe sa pamamagitan ng pagbibigay ng ‘transport allowance’ sa mga empleyado.

Sa susunod na linggo, inaasahan ang muling paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 69,096 total reads

 69,096 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 109,655 total reads

 109,655 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 133,623 total reads

 133,623 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 181,891 total reads

 181,891 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 201,287 total reads

 201,287 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top