Gamitin ang salita ng Diyos sa pagpili ng karapat-dapat na lider ng bansa- Bishop Pabillo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 719 total reads

Hinikayat ni Apostolic Vicariate of Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mamamayan na gawing gabay ang Salita ng Diyos sa bawat oras.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng ‘Sunday of the Word of God’ kung saan binigyang diin ang kahalagahan ng mga Salita ng Diyos sa araw-araw na pamumuhay ng tao

Batid ni Bishop Pabillo ang napakahalagang responsibilidad ng mamamayan sa nalalapit na halalan sa Mayo 2022 kaya’t inaasahan nitong sa tulong ng mga Salita ng Diyos ay magabayan ang 63-milyong botante sa pagpili ng mabubuting lider ng bansa.

“Sa anumang desisyon natin, sana ginagabayan tayo ng Salita ng Diyos,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Muling iginiit ni Bishop Pabillo ang pagbabasa ng bibliya sapagkat dito nakalimbag ang mga Salita ng Diyos na makatutulong magabayan ang mamamayan at mapalalim ang ugnayan sa Panginoon.

Naniniwala ang opisyal na sa tulong at gabay ng mga Salita ng Diyos mailuklok ng taumbayan ang mga lider na may pagpapahalaga sa bayan, sa kalikasan, nagsusulong sa interes ng nasasakupang mamamayan at higit sa lahat ang pagiging maka-Diyos.

Sa nalalapit na pagsisimula ng pangangampanya sa Pebrero mas pinaigting ng simbahan ang iba’t ibang voter’s education campaign na makatutulong sa ‘discernment’ ng mga botante sa mga karapatdapat na kandidato.

Kabilang na rito ang ‘Train the Trainers’ at siyam na buwang novena masses ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting, ‘Halalang Marangal 2022’ ng Caritas Philippines at ang ‘One Godly Vote’ ng Radio Veritas 846 – ang media arm ng Archdiocese of Manila.

Layunin ng mga programang ipaunawa sa mahigit 60-milyong botante ang kahalagahan ng pagsasaalang-alang ng mga turo ng simbahan sa pagpili ng mga lider ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 99,592 total reads

 99,592 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 176,486 total reads

 176,486 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 209,934 total reads

 209,934 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 245,234 total reads

 245,234 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 467,940 total reads

 467,940 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top