Gamitin ang teknolohiya upang palalimin ang pananampalataya, apela ng Santo Papa sa kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,177 total views

Hinimok ni Pope Leo XIV ang kabataan na gamitin ang teknolohiya upang palalimin ang kanilang pananampalataya at mapalapit kay Hesus, habang patuloy ding pinananatili ang ugnayan sa kapwa at masigasig na pakikibahagi sa Misa.

Ito ang mensahe ng Santo Papa sa mahigit 15,000 kabataan mula sa buong Estados Unidos na nakipagtagpo sa kanya sa pamamagitan ng video link sa National Catholic Youth Conference sa Indianapolis, Indiana.

Hinikayat ng Santo Papa ang kabataan na palakasin ang kanilang pagkakaibigan kay Kristo, maging mas masigasig sa panalangin, at lumahok sa mga gawaing pang-parokya upang lalo pang lumago ang kanilang pananampalataya.

Tinalakay rin ang mental health at depresyon, at pinayuhan ang kabataan na humingi ng gabay sa Diyos at sa mga pinagkakatiwalaang nakatatanda, at manalangin para sa mga tunay na kaibigan na magiging katuwang na hanapin si Hesus sa gitna ng hamon ng buhay.

Binanggit din ni Pope Leo na ang teknolohiya ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa panalangin, pagbabasa ng Bibliya, at pag-aaral ng pananampalataya, subalit hindi nito mapapalitan ang personal na ugnayan sa Diyos at sa kapwa.

“Be careful that your use of AI does not limit your true human growth.” Use it in such a way that, if it disappeared tomorrow, you would still know how to think, create, and act on your own. Remember: AI can never replace the unique gift that you are to the world,” ayon pa sa mensahe ng Santo Papa.

Ayon pa kay Pope Leo XIV, “Technology can help us do many things and even really help us live our Christian faith. “It also gives us amazing tools for prayer, reading the Bible, and learning more about what we believe.”

Hinikayat rin ng pinunong pastol ang kabataan na tuklasin ang kanilang bokasyon, maging sa pag-aasawa, pagka-pari, o relihiyosong buhay.

Paalala pa ng Santo Papa, ang kabataan ay dapat maging kaibigan ni Kristo at tagapamagitan ng kapayapaan, at iwasan ang paggamit ng pulitikal na pananaw sa usapin ng pananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 71,871 total views

 71,871 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 146,485 total views

 146,485 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 226,564 total views

 226,564 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 269,703 total views

 269,703 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 266,387 total views

 266,387 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top