34,225 total views
Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, ang pamahalaan at mamamayan na tiyaking magagamit nang tama at ligtas mula sa katiwalian ang 2026 National Budget na nagkakahalaga ng ₱6.793 trilyon.
Ayon kay Bishop Santos, malaki ang epekto ng katiwalian sa karaniwang Pilipino.
Paliwanag ng obispo, na kung ang proyekto ay nakatala lamang sa papel at hindi natutupad, naaapektuhan ang mga magsasaka na naghihintay ng irigasyon, ang mga estudyante na kulang sa silid-aralan, at ang mga pasyente na umaasa sa maayos na health center.
“This moment must serve as a wake-up call for our nation. A wake-up call to those in power— to lead with integrity, to reject the culture of impunity, to remember that public office is a sacred stewardship, not a personal entitlement,” ayon sa pahayag ni Bishop Santos.
Binigyan diin ni Bishop Santos, na ang ganitong katiwalian ay hindi lang pagkukulang sa trabaho kundi pagtataksil sa tiwala ng tao.
Dagdag pa ng obispo, “May this year’s budget become an instrument of renewal—an opportunity to rebuild trust, restore accountability, and ensure that every peso truly serves the common good.”
Pinaalalahanan din ng obispo ang mga opisyal ng pamahalaan na ang pambansang pondo ay hindi nila pag-aari kundi para sa sambayanan kaya’t dapat itong gamitin para sa kabutihan ng nakararami at hindi para sa luho o personal na interes.
Hinikayat din niya ang mamamayan na maging mapagmatyag, humiling ng malinaw na ulat, at makilahok sa pangangalaga ng pondo ng bayan.
Giit pa ni Bishop Santos, na ang pambansang badyet ay hindi lang plano sa paggasata kundi dokumento na nagpapakita ng mga pangunahing pangangailangan at pagpapahalaga na dapat mapakinabangan ng mga mahihirap, manggagawa, magsasaka, kabataan, at nakatatanda.
Nananawagan di si Bishop Santos sa bawat isa na patuloy na manalangin sa Diyos na gabayan ang bansa at mga lider upang maisakatuparan ang pondo nang tapat, pangalagaan laban sa katiwalian, at maipamahagi sa mga tunay na nangangailangan.
“Lord, heal our land. Awaken the hearts of our leaders. Give them the courage to confront wrongdoing, the humility to correct past failures, and the integrity to serve with honesty and compassion. May this moment of national reckoning be a turning point— a call to become better leaders, faithful stewards of the resources entrusted to them,” ang bahagi ng panalangin ni Bishop Santos.




