Gawing ligtas ang mga pangalawang tahanan ng mga bata

SHARE THE TRUTH

 584 total views

Mga Kapanalig, itinuturing na pangalawang tahanan ng mga bata ang mga paaralan. Ngunit paano kung ang pangalawang tahanan na ito ay balót ng karahasan at pang-aabuso?

Ito ang katotohanang nakakubli sa isang premyado at tinitingalang art school na pinatatakbo ng gobyerno kung saan natuklasang may mga kaso ng pang-aabuso sa mga batang estudyante doon. Sa isang article ng VICE World News, detalyadong isiniwalat ang iba’t ibang salaysay ng mga dating estudyante kung saan tila nagiging kultura at normal na lang ang sekswal at pisikal na pang-aabuso sa loob ng Philippine High School for the Arts (o PHSA) sa Mt. Makiling, Los Baños, Laguna. Mga guro, empleyado, at kapwa estudyante ang sinasabing sangkot sa mga kaso ng pang-aabusonng diumano ay nangyayari pa rin hanggang ngayon.

Ayon sa isang anonymous source, ang mga nakatatandang miyembro ng faculty ay para bang walang nakikitang mali sa mga nangyayari sa kanilang paaralan. Katulad din ng pahayag ng maraming biktima, tila nagbubulag-bulagan at binabalewala lang ng administrasyon ng PHSA ang mga reklamo ng mga estudyante. Mas lalong nakababahala ang balitang ito lalo na’t kadalasang nag-uumpisang pumasok doon ang mga mag-aaral sa edad na 11 hanggang 14, at doon sila nananatili ng hanggang anim na taon. Ayon sa pahayag ng Child Rights Network (o CRN), isang koalisyong nagtataguyod ng karapatang pambata, dapat may ipinatutupad na child protection measures ang mga paaralan upang hindi lumaganap ang pang-aabuso at pangmamaltrato sa mga estudyante.

Maituturing na pisikal, mental, at emosyonal na karahasan din ang sekswal na pang-aabuso dahil sa masamang epekto nito sa katawan, pag-iisip, at emosyon ng mga bata. Nariyang nakararanas sila ng matinding trauma na kalimitang bitbit nila sa kanilang pagtanda. Mayroon din silang mataas na risk o panganib na magkaroon ng sakit, depresyon, pagkabalisa, at maging pag-iisip ng pagpapakamatay. Matindi rin ang pangmatagalang epekto ng sekswal na pang-aabuso sa mga bata lalo na kung nangyayari ito sa paaralan. Sa isang pag-aaral ng UNICEF, sinasabing nagkakaroon ng mababang self-esteem o pagpapahalaga sa sarili ang mga biktima ng pang-aabuso. Nakararamdam sila ng kalungkutan, takot, at pag-iwas sa ibang tao na kalimitang nagiging dahilan para mahinto sila sa pag-aaral. Tatlo lamang sa bawat sampung biktima ng pang-aabuso ang humihingi ng tulong mula sa kanilang pamilya o ahensya ng pamahalaan. Maraming biktima ang hindi ipinaaalam sa ibang inabuso o pinagsamantalahan sila dahil sa hiya, takot na mahusgahan o paghigantihan ng maysala, o pangambang walang maniniwala sa kanila. Sumasalamin ito sa mahinang sistemang pangkatarungan na nagiging dahilan para hindi mahuli at mapanagot ang mga salarin.

Hindi matatawaran ang lawak at lalim ng kapahamakang dulot ng pang-aabuso o ng anumang uri ng karahasan sa dignidad at karapatan ng mga bata. Ang trauma mula sa sekswal na pang-aabuso at karahasan ay lumilikha ng pakiramdam na kahinaan, kahihiyan, at takot na maaaring makaapekto sa buhay ng isang batang biktima sa mahabang panahon. Sa mga pagkakataong ito, tungkulin at responsibilidad ng buong komunidad na tumugon. Gaya ng binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan, mahalaga ang pakikilahok sa mga usapin at gawaing tumututol sa paglabag sa dignidad ng mga bata, kabilang ang sekswal na pananamantala at iba pang uri ng karahasan.

Mga Kapanalig, hadlang ang sekswal na pang-aabuso at pisikal na karahasan sa pagyabong ng kanilang galing at talento sa larangan ng sining. Kailangan nila ng makabatang kapaligiran na tunay na lilinang sa kanilang kakayahan. Ang pagpapanagot sa mga salarin, ang pagpapaigting sa proteksyon para sa mga bata sa loob ng mga paaralan, at pagpapatupad ng mga batas na magtatanggol sa kanila ay magpapakita ng pagturing sa kanila bilang mga gantimpala mula sa Diyos, sabi nga sa Mga Awit 127:3.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 14 total views

 14 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 25,376 total views

 25,376 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 36,004 total views

 36,004 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 57,027 total views

 57,027 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 75,732 total views

 75,732 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 15 total views

 15 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 25,377 total views

 25,377 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 36,005 total views

 36,005 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 57,028 total views

 57,028 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 75,733 total views

 75,733 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 108,270 total views

 108,270 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 90,944 total views

 90,944 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 123,562 total views

 123,562 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 120,578 total views

 120,578 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 122,507 total views

 122,507 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »
Scroll to Top