VeritasPH

The Word, The Truth

Gawing makabuluhan ang barangay elections

SHARE THE TRUTH

 573 total views

Mga Kapanalig, natuloy rin sa wakas ang barangay at Sangguniang Kabataan (o SK) elections. Ginamit po sana ninyo ang inyong karapatang pumili ng mga karapat-dapat na taong mamumuno sa inyong barangay, ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan ngunit pinakamalapit sa ating mga mamamayan.

Matatandaang dalawang beses nang inilipat ang petsa ng barangay at SK elections. Una ay noong Oktubre ng nakaraang taon, at pangalawa ay kahapon, ang ikalawang Lunes ng Mayo. Kung hindi sumalungat ang Senado, nais pa sana ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipagpaliban muli ito sa Oktubre ngayong taon.

Maraming dahilang sinasabi ang administrasyon kung bakit kinailangang i-postpone ang halalang dapat sana’y isinagawa noong Oktubre 2016 pa. Una, paniwala ni Pangulong Duterte, kontrolado ng mga drug lords ang mga lider ng barangay dahil ang mga ito ang nagbibigay ng pondo sa mga kapitan at kagawad—droga na naman ang dahilan. May mga nagsasabing kulang ang oras ng Comelec upang paghandaan ang eleksyon. Rason din daw ang mababang turnout ng mga nagparehistro upang makaboto sa barangay at SK elections. May mga nagsasabi namang nais isabay ng administrasyon sa barangay elections ang plebesito para sa Charter change upang maisulong na ang pederalismo.

Ngunit sa kabila ng mga pangangatwirang ito, kapansin-pansing matamlay ang naging pagtutol ng publiko sa makailang-ulit nang pagpapaliban sa barangay at SK elections. Ito ba ay dahil gusto ito ng pangulo at dapat masunod ang anumang sabihin niya? O baka naman sadyang maliit ang pagpapahalaga natin sa pamahalaang pambarangay gayundin ang pagtitiwala natin sa ating kapitan at mga kagawad.

Nakalulungkot ang pangalawang dahilan sapagkat sa barangay dapat unang dumudulog ang mga mamamayan sa tuwing may pangangailangang dapat aksyunan agad, katulad ng pagpapagamit ng sasakyang pang-emergency, pagpaplantsa ng mga gusot sa pagitan ng magkakapitbahay, at pagpapanatiling malinis at ligtas ang barangay. Kung mahirap abutin si meyor o si congressman, madaling malapitan dapat sina “kap” at mga kagawad. Dahil halos magkakakilala tayo sa barangay, madali rin dapat tayong mahikayat at mapakilos ng pamahalaang barangay kapag may sitwasyong nangangailangan ng sama-samang pagtugon gaya halimbawa kapag may kalamidad o kailangang linisin ang mga kanal at estero.

Kaya’t dapat lamang na pahalagahan ang pagpili ng kapitan at mga kagawad, gayundin ang pagpili ng mga kabataan ng kinatawan nila sa SK, dahil dito nagsisimula ang ating pakikilahok sa pamamahala. Tungkulin itong nakakabit sa pagbibigay-kapangyarihan sa taumbayan o people empowerment, isang prinsipyo ng Catholic social teaching. Mahalagang kilalanin ito dahil tayong mga mamamayan ang nakakaalam ng ating kalagayan, at ng mga suliranin at hangaring matutugunan ng mga programa at proyektong ipatutupad ng pamahalaang barangay. Kaya’t dapat na nakikisangkot tayo at aktibong sumasali at nakikialam sa mga gawain ng barangay.

Sa pagbibigay-diin ng kahalagahan ng pakikibahagi sa buhay ng ating barangay, maaari nating hiramin ang sinabi ni Pope Benedict XVI sa Caritas et Veritate tungkol sa negosyo at etika. Aniya, “ang mga programang pangkaunlaran… ay dapat na maging angkop at sang-ayon sa hinihingi ng pagkakataon; at dapat na kabahagi sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga ito ang mga taong inaasahang makikinabang.” Sa madaling sabi, hindi natin dapat iasa ang lahat sa ating mga lider. Ngunit hinihingi rin natin dapat sa mga lider natin ang kanilang katapatan at husay sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang mga lingkod-bayan. Pangangailangan ng lahat, hindi ng iilan o ng kakampi nila, ang dapat nilang tugunan.

Kaya, Kapanalig, nawa’y kilalanin ng mga nanalong kapitan, kagawad, at miyembro ng SK, ang kaparatan ng mga mamamayang makilahok sa pagbubuo, pagpapasya, at pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng barangay. Hinihiling naman sa atin ang ating kritikal na pakikipagtulungan at pakikiisa. Sa ganitong paraan magiging makabuluhan ang halalan kahapon.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 3,867 total views

 3,867 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 11,852 total views

 11,852 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 19,388 total views

 19,388 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 35,374 total views

 35,374 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 43,418 total views

 43,418 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 3,868 total views

 3,868 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 11,853 total views

 11,853 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 19,389 total views

 19,389 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 35,375 total views

 35,375 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 43,419 total views

 43,419 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,399 total views

 45,399 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,824 total views

 43,824 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,610 total views

 45,610 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,535 total views

 42,535 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,849 total views

 56,849 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,539 total views

 60,539 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,142 total views

 59,142 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,129 total views

 69,129 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,097 total views

 73,097 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,984 total views

 83,984 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top