Obispo ng Boac, nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulila ni Bishop Oliveros

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 358 total views

Nagpahayag ng pakikiramay at labis na kalungkutan ang Diocese of Boac sa Marinduque matapos pumanaw si Malolos Bishop Jose Oliveros.

Ayon kay Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr. labis ang pagmamahal ng mga pari at mananampalataya kay Bishop Oliveros dahil nagsilbi rin ito bilang ikalawang Obispo sa Diyosesis ng Boac.

“Isang malungkot na pangyayari itong pagpanaw ng isang Obispo at hindi lamang basta Obispo kundi dating Obispo din po ng Diyosesis ng Boac, ikalawang Obispo after ng aming si Bishop Lim. Ang kalungkutan naming nadarama syempre dahil malapit sya sa maraming tao dito sa amin at inaantabayanan namin lahat ng sitwasyon nya at laging kinukumusta at binibisita pa nga ng aming mga kapatid na Pari si Bishop Joey nung nasa Bulacan sya lalo na nung may sakit sya.”  Pahayag ni Bishop Maralit sa Radyo Veritas.

Sa kabila ng kalungkutan, sinabi ni Bishop Maralit na lubos ang kanilang pag-asa at pagtitiwala sa kalooban ng Panginoon na makakamit ni Bishop Oliveros ang walang hanggang pagpapala sa kaharian ng Diyos.

“Pero kasama ng kalungkutan namin syempre yung pagtitiwala sa kalooban ng Diyos na kasama na sa aming mga panalangin, lalo nung huling panahon na siya ay nagpo-promote ng Divine Mercy, ang aming panalangin talaga ay by God’s love and divine mercy ay talagang He will give his eternal reward.”  Dagdag pa ni Bishop Maralit.

Si Bishop Oliveros ang humalili sa unang Obispo ng Boac na si Bishop Rafael Lim.

Siya ay inordinahan at itinalagang Obispo ni Pope John Paul II noong taong 2000 at matapos ito, siya ay nalipat sa Diyosesis ng Malolos noong 2004.

Samantala, gaganapin ang Requiem Mass para kay Bishop Oliveros sa ika-17 ng Mayo araw ng Huwebes, alas nuebe ng umaga sa Minor Basilica of the Immaculate Concepcion, Malolos Cathedral.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 51,327 total views

 51,327 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 47,196 total views

 47,196 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 83,398 total views

 83,398 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 91,996 total views

 91,996 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 116,982 total views

 116,982 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 324,967 total views

 324,967 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top