50,178 total views
Kapanalig, bakit tayong mga Pilipino ay mahilig o may ugaling mapanlinlang? Sa gobyerno usong-uso ang “falsification of public documents? Ito ba ay kultura na natin o ugaling hindi na kayang mababago?
Sa University belt area, anytime makakakuha ka ng pekeng “college diploma”, sa alinmang Land Transportation Office (LTO) sa bansa makakakuha ng pekeng driver’s license at car registrations, maging sa Department of Foreign Affairs mayroong pekeng passport. Lalu na sa Philippine Statistic Office (PSA), laganap din ang pekeng birth, marriage at death certificate. Patatalo ba ang Bureau of Immigration (BI) sa peke? Ito ay nagaganap, ito ay totoong realidad sa Pilipinas.
Kung laganap ang pekeng dokumento sa mga ahensiya ng pamahalaan, gayundin ang mga “ghost employee’s” na sumasahod ng kinsenas at katapusan ng hindi pumapasok sa trabaho…. Paano naman ang “ghost beneficiaries”? Ito ay normal sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga local government units (LGU’s) tuwing may sakuna at state of emergencies. Sa kalakarang ito ay saksi tayo mga Kapanalig.
Ang latest mga Kapanalig, iniulat ng Philippine Statistic Authority sa House Committee on Good Governance na bumubusisi sa maling paggasta ng Office of the Vice President ng 500-milyong pisong confidential fund habang 125-milyong piso naman sa DSWD…60-percent sa 667 katao na tumanggap ng “confidential fund payments” mula sa DSWD ay walang birth certificate, marriage certificate at maging death certificates records sa civil registry system ng PSA.
405 sa kabuuang 677 na pangalang isinumite ng DSWD ay wala sa records pero may acknowledgment receipts o proof of payment.Makikita sa mga resibo ang parehong pirma na magkaiba ang pangalan at residente ng iba’t-ibang lugar.
Paano ito nangyari? Ipinaliwanag ng DSWD na nagkaroon lamang ng typographical errors sa naisumiteng proof of payments..Napakagaling di ba mga Kapanalig? Bobo na nga tayo, lalu pa tayong pinagloloko.Ang kalokohang ito ay isa sa mga grounds ng dalawang impeachment complaints na inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso laban kay Vice President Sara Duterte.
Sinasabi ng World Bank Economic Development Institute na ang corruption ay “an abuse of entrusted power by politicians or civil servants for personal gain. The misuse or abuse of public office for private gain”.
Ang ganitong gawain ay ipinagbabawal sa ika-10 utos ng 10-commandments of God: “You shall not covet anything that belongs to your neighbor”. Gayunman, mayorya sa ating mga nilalang ng Diyos ay hindi ito isinasaisip at isinasabuhay.
Ipinapaliwanag ng Catechism of the Catholic Church 2482: “A lie consists in speaking a falsehood with the intention of deceiving.”280 The Lord denounces lying as the work of the devil: “You are of your father the devil, .. there is no truth in him. When he lies, he speaks according to his own nature, for he is a liar and the father of lies.”281
Tandaan natin Kapanalig, ang panlinlang at panloloko sa kapwa ay nagiging sanhi ng laganap na pagnanakaw at karumal-dumal na krimen.
Sumainyo ang Katotohanan.