‘God is Glorious concert’ ng Diocese of Novaliches; Bahagi ng fund raising para sa ‘Tahanang Pari’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 623 total reads

Naging matagumpay ang isigawang concert ng mga Pari ng Diocese of Novaliches bilang handog sa pagtatapos ng ‘Year of the Clergy, Religious and Consecrated Persons’.

Layunin din ng konsiyerto ang makalikom ng pondo sa ipinapatayong ‘Tahanang Pari Renewal Center’ –isang retirement home para sa mga pari ng Diocese of Novaliches bilang gantimpala sa kanilang pagsisilbi sa kawan ng Diyos.

Pinangunahan ni Fr. James Nitollama, Parish Priest ng Epiphany of Our Lord Parish, Camarin Caloocan ang inisyatibo, kasabay ng pagidiriwang ng kaarawan noong ika- 4 ng Nobyembre.

“Usually pag birthday ko may concert pero sabi ko dapat hindi lang para sa akin so gawin ko rin itong celebration nang Year of the Clergy and Consecretaed Persons kasi magtatapos na,” bahagi ng pahayag ni Fr. Nitollama.

Dahil dito labi ang pasasalamat ng pari sa mga dumalo at nakikiisa sa “Clergy and Religious: “GOD IS GLORIOUS” concert na ginanap noong Sabado ika-3 ng Nobyembre sa Caloocan City Sports Complex, Bagumbong Caloocan.

Kabilang sa mga dumalo sa konsyerto si Novaliches Bishop Antonio Tobias kung saan sa pambungad na panalangin ay binigyang diin ang kahalagahan ng pakikipagkaisa ng mga Pari, Relihiyoso at mga nagtatalaga ng buhay sa Panginoon sa bawat mananampalataya upang higit pang mapalakas ang ugnayan tungo sa kaharian ng Panginoon.

Hiling din ni Fr. Nitollama sa mananampalataya na patuloy ipagdasal ang mga pari at madre upang mas mapalakas at mapatatag sa paglilingkod sa Panginoon sa kabila ng mga pagsubok na nakakaharap sa gitna ng pagmimisyon.

Tampok sa konsyerto ang pagtatanghal ng Our Lady of Fatima University chorale, ang Tres Padres na sina Rev. Fr. Luciano Felloni, Rev. Fr. Allan Samonte at Rev. Fr. Jansen Ronquillo at ang Priests Supply na binubuo nina Rev. Fr. James Nitollama, Rev. Fr. Leo Laguilles at Rev. Fr. Falky Falcasantos na magiliw nagbahagi ng kanilang talento sa mga nanood.

Sina Fr. Nitollama, Fr. Felloni at Fr. Ronquillo ay kabilang sa mga Anchors ng Radio Veritas sa iba’t ibang mga programa ng Katolikong himpilan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 124,889 total reads

 124,889 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 186,580 total reads

 186,580 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 232,288 total reads

 232,288 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 333,556 total reads

 333,556 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 397,015 total reads

 397,015 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top