VeritasPH

The Word, The Truth

“Good politics is at the service of peace”

SHARE THE TRUTH

 290 total views

Mga Kapanalig, kapayapaan sa inyong sambahayan!

Ito ang pambungad na bati ni Pope Francis sa pagbubukas ng taóng 2019, kasabay ng ika-52 pagdiriwang ng World Day of Peace tuwing unang araw ng taon. Nakalulungkot lamang na sadyang mailap pa rin ang kapayapaan sa maraming bahagi ng mundo. Giyera sa pagitan ng mga bansa at hidwaan sa pagitan ng mga mamamayan ang bumabalot sa Yemen, Palestine at Israel, Democratic Republic of Congo, South Sudan, at Syria. Marami na ang namamatay sa hirap, gutom, at karahasan sa mga lugar na ito.

Dito naman sa Pilipinas, bagamat hindi naman tayo umabot sa kalagayang katulad ng sa mga nabanggit na bansa kanina, patuloy pa rin ang paghahanap natin ng tunay at pangmatagalang kapayapaan. Sa mga kanayunan kung saan may presensya pa rin ang Communist Party of the Philippines o CPP, patuloy ang pagtugis ng militar sa mga tinaguriang kalaban ng estado. Armadong pakikibaka pa rin ang taktika ng CPP para sa panlipunang repormang nais nitong isulong, kaya’t ganito rin ang pangunahing tugon ng pamahalaan. Sa mahigit limang dekadang pakikipaglaban ng CPP sa pamahalaan, sinabi ng tagapagsalita ng pangulo na “failed rebellion” daw ang ginagawa ng grupo lalo pa’t kamatayan ng marami at pagkasira ng mga ari-arian ang bunga ng kanilang pakikibaka. Buwelta naman ng tagapagtatag ng rebeldeng grupo, napapanahon pa rin ang mga ipinaglalaban nila, at dahil sa mga umano’y baluktot na patakaran ng administrasyon, mas marami raw ang nahihikayat sumanib sa kanila. Sinubukan ng administrasyong Duterte na ituloy ang peace talks sa CPP ngunit makailang ulit na itong naantala.

Batas militar naman ang patuloy na umiiral sa Mindanao matapos itong palawigin ng pamahalaan sa ikatlong pagkatataon para raw sa kaligtasan ng mga taga-roon matapos ang giyera sa Marawi. Hindi pinansin ng pamahalaan ang pag-alma ng ilang grupo ng mga katutubo at mga human rights defenders na nakapagtala ng mga pang-aabuso ng militar sa karapatang pantao. Mainam namang subaybayan ang magiging resulta ng plebisito para sa Bangsamoro Organic Law na inaasahang tutuldok na sa deka-dekada ring hidwaan ng pamahalaan at mga grupong iginiit ang kanilang pagkakakilanlan bilang mga Moro.

Nananatili ring banta sa ating kapayapaan ang nagpapatuloy na giyera ng pamahalaan laban sa iligal na droga. Patuloy ang mga pagpatay sa mga suspek na karamihan ay mahihirap. Sa opisyal na bilang ng PNP, mahigit 5,000 na ang napatay sa mga operasyong ginawa ng pulis. Malayo ito sa 20,000 indibidwal na sinasabi ng human rights groups na napatay bunsod ng marahas na kampanyang ito.

Mga Kapanalig, bahagi ng ating misyon bilang mga Kristiyano ang pangalagaan ang kapayapaan at ihatid ito sa mga lugar na pinagkakaitan nito—sa mga kanayunan, sa mga liblib na lugar, at sa mga mahihirap na pamayanan. Higit na inaasahan ang tungkuling ito sa mga lider ng ating bansa. Sabi nga ni Pope Francis sa kanyang mensahe para sa World Day of Peace sa taóng ito, “Good politics is at the service of peace.” Ang mabuting pulitika ay naglilingkod para sa kapayapaan. Malaki ang papel ng pulitika sa pagpapatatag ng mga pamayanan at mga institusyon, ngunit kung lihis sa layuning ito ang ating mga pinuno, nagagamit ang pulitika sa paniniil sa kalayaan, sa pagsasantabi sa mahihina, at sa pagkasira ng kapayapaang dapat na nagbubuklod sa atin.

Mga Kapanalig, malaking gawain ang kapayapaan, at nakasalalay ito sama-samang pagkilos at pagtutulungan ng lahat. Sa mga isyung pangkapayapaang patuloy na kakaharapin natin sa taóng ito—ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng CPP at pamahalaan, ang batas militar sa Mindanao, at ang giyera kontra droga–kinakailangan natin ng mga lider na may pagkiling sa tunay na kapayapaan at ng mga mamamayang nagsasabuhay ng kapayapaan sa araw-araw.

Isang mapayapang bagong taon sa ating lahat!

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 1,267 total views

 1,267 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 8,803 total views

 8,803 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 24,789 total views

 24,789 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 32,834 total views

 32,834 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 37,914 total views

 37,914 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 1,268 total views

 1,268 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 8,804 total views

 8,804 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 24,790 total views

 24,790 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 32,835 total views

 32,835 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 37,915 total views

 37,915 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 42,931 total views

 42,931 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,717 total views

 44,717 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,642 total views

 41,642 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,956 total views

 55,956 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,646 total views

 59,646 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,249 total views

 58,249 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,236 total views

 68,236 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,204 total views

 72,204 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,091 total views

 83,091 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,530 total views

 95,530 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top