Ang sinasalamin ng basura sa Luneta

SHARE THE TRUTH

 452 total views

Mga Kapanalig, nag-viral sa social media at naging laman din ng mga balita noong kinabukasan ng Pasko ang larawan ng sandamakmak na basura sa Rizal Park sa Luneta. Umabot sa 12 trak ang dami ng nahakot na basurang iniwan ng libu-libong nagdiwang ng Pasko sa parke. Hindi na tayo magtataka kung ganito rin karami ang basura kahapon nang salubungin natin ang Bagong Taon.

Kawalan ng disiplina ng ilan nating kababayan ang unang puna ng mga nakakita ng larawan ng mga basurang nagkalat sa Luneta. Ipinakikita rin niyon ang kapabayaan ng mga lokal na pamahalaan sa pangangasiwa ng basura at sa pagpapatupad ng batas laban sa pagkakalat.

Ngunit may mas malalim na problemang sinasalamin ang tambak na basura hindi lamang sa Luneta noong araw ng Pasko kundi sa maraming lugar sa ating bansa araw-araw. Ito ay ang tinatawag na “throwaway culture” na binigyang-pansin ni Pope Francis sa Catholic social teaching na Laudato Si’.

Ang “throwaway culture”, sa madaling salita, ay ang uri ng pamumuhay kung saan halos lahat ng bagay—maging ang buhay ng tao—ay itinuturing na basurang itinatapon na lamang pagkatapos pakinabangan o kahit pa may pakinabang pa ang mga ito. Halimbawa, ang papel na mula sa mga puno ay basta-basta na lamang itinatapon kapag nagamit na. Hindi batid ng marami ang halaga ng mga halamang nagsisilbing pagkain ng mga hayop at tao, ngunit kapag ginamit na ang mga troso upang gawing papel, wala nang paraan upang maibalik sa kalikasan ang halaga ng mga halaman. Tingnan na lamang natin ang dami ng mga pambalot ng regalong ginawa, ibinenta, ginamit, at itinapon noong Kapaskuhan hanggang nitong Bagong Taon. Walang pinatunguhan ang mga iyon kundi sa mga tambakan ng basura, o kaya naman ay sinunog (na nagdudulot naman ng polusyon sa hangin) o naanod na sa mga ilog at dagat (na nakalalason naman sa mga lamang-dagat).

Lumalaganap ang kultura ng pagtatapón dahil na rin sa walang patumanggang pagbili natin ng kung anu-anong bagay. Ito ang tinatawag na extreme consumerism. Pinalalaganap ng malalaking negosyo at korporasyon ang konsumerismong ito upang patuloy silang makapagbenta ng kanilang mga produkto. Samantala, ang mga taong hindi lubusang nauunawaan ang implikasyon ng kanilang pagbili at paggastos, madaling bumibigay sa mapanuksong paglalako kahit hindi naman nila kailangan (o higit pa sa kanilang kailangan) ang mga binibili nila. Sa pagbili natin ng kung alin ang bago, uso, masarap, at sinasabing makapagpapasaya sa atin, akala natin ay nagiging mas malaya tayo. Ganito ang naging karanasan ng marami sa atin sa kabi-kabilang kasiyahang pinuntahan natin nitong mga nakalipas na araw. Marami ang hindi nagkamayaw sa pagbili ng bagong gamit, gadgets, damit, at laruan na maaaring hindi naman natin kailangan o ng taong pinagbigyan natin. Marami rin ang namilí ng pagkain na maaaring napanis at itinapon lamang dahil sobra ang mga ito.

Dagdag ni Pope Francis, ang kalagayang bunga ng “throwaway culture”, na pinalalakas ng labis na konsumerismo, ay nag-iiwan sa atin ng pakiramdam ng kawalang-katatagan (o instability) at kawalang-katiyakan (o uncertainty) sa ating buhay. Ang mga ito ang punla ng ating “collective selfishness” o palansak na pagkamakasariling nag-uudyok sa ating maging maramot sa iba at maging manhid sa hinaing ng ating kapwa, maging ng kalikasan. Ang mga ito ang una nating dapat ibasura.

Mga Kapanalig, ngayong bagong taon, maliban sa pagsisikap na maging disiplinado sa pagtatapon ng basura at sa pagkatok sa ating mga lokal na pamahalaan upang ayusin nito ang koleksyon ng basura sa ating lugar, huwag nating hayaan ang ating mga sariling malubog sa “throwaway culture” at konsumerismo. Piliin natin ang mabuti at magsimula ng pagbabago para sa kalikasan, sa ating kapwa, at sa ating mga sarili.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 62,131 total views

 62,131 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 66,110 total views

 66,110 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 77,002 total views

 77,002 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 89,444 total views

 89,444 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 100,206 total views

 100,206 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 62,132 total views

 62,132 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 66,111 total views

 66,111 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 77,003 total views

 77,003 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 89,445 total views

 89,445 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 100,207 total views

 100,207 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 51,391 total views

 51,391 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alagaan ang mental health ng mga estudyante

 50,936 total views

 50,936 total views Mga Kapanalig, sa pagtutok natin sa kalusugan ng mga bata at kabataan, nabibigyang-pansin din ba ang kalusugan ng kanilang pag-iisip o mental health? Kung ang sagot ninyo ay “hindi,” mukhang kailangan natin itong pansinin. Tumaas daw kasi ang suicide rate sa mga kabataan noong 2023. Ayon sa Unilab Foundation, may 404 na kaso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition

 53,160 total views

 53,160 total views Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang buwan, ilang beses na inilagay sa yellow at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon at Visayas power grids. Ito raw ay dahil sa pagpalya ng ilang power plants at hindi sapat na suplay ng kuryente na nagdulot ng power interruptions at pagtaas ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy na panawagan para sa katarungan

 46,660 total views

 46,660 total views Mga Kapanalig, hinatulang guilty ng Caloocan Regional Trial Court ang apat na pulis mula Caloocan City sa salang homicide kaugnay ng pagkamatay noong 2016 nina Luis Bonifacio at kanyang anak na si Gabriel, 19 anyos, sa isang operasyon sa ilalim ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte.  Kuwento ng misis ni Luis,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Hamon sa Kabataan

 46,011 total views

 46,011 total views Ang mga bata ay itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Sila ang kinabukasan at pag-asa ng lipunan. Sa Pilipinas, ang karapatan ng mga bata ay pinahahalagahan at pinoprotektahan ng batas. Pero sa kabila nito, marami pa ring bata ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, at diskriminasyon. Maraming hamon sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inequality sa ating Bayan

 51,879 total views

 51,879 total views Ang hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa Pilipinas ay isang napakalalim at malawak na isyu. Malaki ang epekto nito sa lipunan, ekonomiya, at pulitika ng bansa. Sa kabila ng mga pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan at iba’t ibang sektor upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan, nananatiling matindi ang agwat sa pagitan ng mayaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Katutubo

 55,625 total views

 55,625 total views Kapanalig, ang mga katutubo o indigenous peoples (IPs) ay kapwa natin Pilipino – pero hindi ba’t parang invisible sila sa ating bayan? Ang IPs ay kapatid natin sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Ang ating mga tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay ay ating mata-trace sa kanila. Ang ating common heritage ay nagpapakita ng yaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 61,575 total views

 61,575 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga magsasaka

 41,762 total views

 41,762 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panagutin ang dapat panagutin

 52,881 total views

 52,881 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top