Ecowaste, dismayado sa kawalang disiplina ng mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 924 total views

Dismayado ang Ecowaste Coalition sa bulto ng basurang nakatambak sa mga lansangan sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila, matapos salubungin ng mga Filipino ang bagong taon.

Ayon kay Daniel Alejandre, Zero Waste Campaigner ng grupo, ang magandang kultura ng pagdiriwang tuwing bagong taon ay natatabunan ng mga duming naiiwan ng mga tao dahil sa kawalang disiplina.

Dagdag pa niya, kabalintunaan din ang ipinakikita ng mga tao lalo ang Enero ay idineklara sa ilalim ng Presidential Proclamation number 760 bilang Zero Waste Month.

“What makes this beautiful tradition ugly is our penchant to consume and throw a lot of things as can be seen from the overflowing bins to the garbage piles dotting our neighborhoods following the revelry. Many of our communities, especially in thickly populated areas, are drowning in post-revelry garbage on the first day of January, which, incidentally, is observed as Zero Waste month.” pahayag ni Alejandre.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, nangunguna ang Quezon sa lahat ng mga lungsod na pinaka maraming nalilikhang basura.

Umaabot sa 3, 610 tonelada ang nakokolekta mula dito araw-araw, habang pumangalawa naman ang Lungsod ng Maynila na may 1,175 tonelada, sinusundan ng Caloocan city na may 913 tonelada kada araw.

Ayon sa Ecowaste Coalition ang konsumerismo, pagiging maaksaya, hindi maayos na waste segregation at kawalang disiplina sa pagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar ang mga dahilan kung bakit tuwing holiday season ay tumatambad ang tone-toneladang mga kalat.

Binibigyang diin sa Encyclical na Laudato Si ni Pope Francis na ang mundo ay nagmimistula nang malawak na tambakan ng basura kaya naman kinakailangan ng community conversion o pagkakaisa ng lipunan upang masolusyonan ang ganitong suliranin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 60,728 total views

 60,728 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 56,597 total views

 56,597 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 92,799 total views

 92,799 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 101,035 total views

 101,035 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 125,306 total views

 125,306 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 325,264 total views

 325,264 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top