Greenpeace, nanawagan ng nagkakaisang pangangalaga sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 815 total reads

Mahalagang mamulat ang mamamayan sa kasalukuyang sitwasyon ng ating kapaligiran upang magtulungan sa pagpigil ng tuluyang pagkasira ng kalikasan.

Ito ang binigyang diin ni Yeb Saño, Executive Director ng Greenpeace Southeast Asia sa mga dumalo sa Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly o MAGPAS sa Paco Catholic School Manila noong unang araw ng Setyembre.

“Napakaimportante ng pagtitipon ngayon, magiging malaki ang epekto nito at lalong palawakin ang kamulatan ng ating mga kababayan doon sa issue ng problema ng kalikasan at yung mga hakbang na puwede nating gawin na konkreto.” pahayag ni Saño sa Radio Veritas.

Ayon kay Saño, kailangan ng kagyat na pagtugon ang suliranin sa kalikasan dahil unti-unting nasisira ang karaniwang tirahan ng mga mamamayan dulot ng kapabayaan.

Dahil dito, hinimok nito ang mga Parokya at ang buong komunidad na magkaisang kumilos upang maibabalik ang maayos at ligtas na kapaligiran para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

“Hindi kayang lutasin ng isang parish, kahit ng buong Pilipinas, so yung pakikipag-ugnayan natin sa ibang gobyerno sa ibang bansa at pati na rin yung ugnayan sa loob ng simbahan sa buong mundo ay napakaimportante.” Dagdag ni Saño.

Batay pa sa pagbabahagi nito umaabot sa 63, 000 tonelada ng basura ang nalilikha sa bansa araw-araw dahilan ng mga pagbaha sanhi ng mga baradong lagusan ng tubig.

Kinilala ni Saño ang pagpapahalaga ni Pope Francis sa kalikasan kaugnay sa inilathalang ensiklikal na Laudato Si tatlong taon ang nakalilipas kung saan ipinapanawagan nito ang kahalagahan sa pangangalaga sa kalikasan.

Naunang nanawagan si CBCP Episcopal Commission on the Laity Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ng ecological conversion.

Read: Ecological conversion, paiigtingin sa Season of Creation

Sa Pilipinas, aktibo ang Simbahang Katolika sa pagsusulong ng mga programang tumutugon sa suliraning pangkalikasan at patuloy na ipinaglalaban adbokasiyang maayos at ligtas na paligid sa bawat mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 22,630 total reads

 22,630 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 103,742 total reads

 103,742 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 137,191 total reads

 137,191 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 172,489 total reads

 172,489 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 398,240 total reads

 398,240 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top