Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 416 total views

Kapanalig, kapag Huwebes Santo, ating laging ginugunita ang huling hapunan ni Kristo kasama ang mga disipulo. Karaniwan, may aninag ng lungkot ang pagsasama-sama nila dahil matapos nito, si Hesus ay ipagkakanulo, na siyang hudyat at simula ng kanyang pagdurusa tungo sa Krus ng Kalbaryo.

Ang Huling Hapunan ni Kristo ay simbolo rin ng pag-asa, kapanalig. Dito sa hapag na ito, nakapag-piging siya kasama ang kanyang mga kaibigan. Sa hapag na ito, naitaguyod niya ang Banal na Eukaristiya, ang binhi ng ating pananalig, ang simula ng ating pagiging Simbahan.

Ang imahe ng Huling Hapunan, ang pagsasalo-salo natin sa hapag-kainan, ay simbolo rin ng pag-asa. Dito nararamdaman natin na hindi tayo nag-iisa. May komunidad tayong makakasama.

Ang komunidad at pakikiisa ay napakahalaga sa ating panahon ngayon kung kailan mas lumalala ang banta ng food insecurity hindi lamang sa ating bansa, kundi sa marami pang mga bansa sa buong mundo. Ang mabilis na pagtaas ng bilihin, ang pagmahal ng langis at enerhiya, pati nga mga pataba o fertilizer ay nagmahal ngayon – ang mga ito ay ilan lamang sa mga salik na nagpapalala ng food crisis sa buong mundo. Hindi pa man nakakabangon ang mundo sa pandemya, nag-usbungan na naman ang mga panibagong banta sa katiyakan sa pagkain. Ayon nga sa Food And Agriculture Organization ng UN, noong 2021, 828 million ang may “empty plates”  sa buong mundo – 828 milyong taong gutom. Sa Pilipinas naman, ayon sa survey ng World Food Programme noong Oktubre 2022, isa sa sampung kabahayan sa bansa ay food insecure, at karamihan sa kanila ay matatagpuan sa BARM, Region 8 at Region 12. Liban pa dito, 7 sa 10 kabahayan ang gumagawa ng iba ibang diskarte upang tugunan ang problema ng food insecurity. Pangungutang ang karaniwang paraan nila upang huwag magutom.

Kapanalig, sa panahon ngayon na marami ang nagugutom at naghihikahos, ang huling hapunan sana ni Kristo ay ating maging inspirasyon. Sa gitna ng pagkadami-daming hamon sa buhay natin, ang paniniguradong lahat tayo ay may pagkain sa hapag ay kongkretong paraan ng pakikiisa at komunidad.

Huwag sana natin makalimutan ang ating kapatiran at komunidad, kapanalig. Huwag maging makasarili.  Bilang Kristyanong Katoliko, dapat laging may pwesto ang nangangailangan sa ating hapag kainan. Paalala sa atin ng Evangelium Vitae, bahagi ng Panlipunang Turo ng Simbahan: Whenever our interior life becomes caught up in its own interests and concerns, there is no longer room for others, no place for the poor. God’s voice is no longer heard, the quiet joy of his love is no longer felt, and the desire to do good fades.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG OMBUDSMAN

 36,157 total views

 36,157 total views Isang buwan ng pinag-uusapan sa bawat sulok ng Pilipinas ang multi-bilyong pisong “Flood control projects” fiasco. Ito na ang maituturing na “mother of

Read More »

JOBLESS

 53,254 total views

 53,254 total views Nakakalungkot na reyalidad sa ating bayan, napaka-mahal ang edukasyon, butas-butas ang bulsa ng mga magulang upang maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak, makapagtapos

Read More »

Cha-cha talaga?

 67,486 total views

 67,486 total views Mga Kapanalig, umuugong na naman ang panukalang amyendahan ang ating Saligang Batas.  Isa sa mga nagbunsod nito ay ang hindi pagkakasundo ng mga

Read More »

Mga mata ng taumbayan

 83,246 total views

 83,246 total views Mga Kapanalig, mainit na usapin pa rin ngayon ang mga maanomalyang flood control projects. Bilyun-bilyong piso kasi ang inilalaan ng ating pamahalaan para

Read More »

Bumabaha sa katiwalian

 101,745 total views

 101,745 total views Mga Kapanalig, hindi lang dismayado si Pangulong Bongbong Marcos Jr sa mga anomalyang nakapalibot sa malalaking flood control projects. Galit na raw siya.

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Crypt ni Cardinal Sin, bubuksan sa publiko

 13,632 total views

 13,632 total views Inaanyayahan ng Manila Cathedral ang lahat na makibahagi sa paggunita ng 97th birth anniversary ng ika-30 Arsobispo ng Maynila na si Manila Archbishop

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

One Godly Vote-CARE, inilunsad

 13,012 total views

 13,012 total views Inilunsad ng Radyo Veritas ang One Godly Vote – Catholic Advocates for Responsible Electorate campaign sa EDSA Shrine, Quezon City. Layunin nitong bigyan

Read More »

RELATED ARTICLES

NASAAN ANG OMBUDSMAN

 36,158 total views

 36,158 total views Isang buwan ng pinag-uusapan sa bawat sulok ng Pilipinas ang multi-bilyong pisong “Flood control projects” fiasco. Ito na ang maituturing na “mother of

Read More »

JOBLESS

 53,255 total views

 53,255 total views Nakakalungkot na reyalidad sa ating bayan, napaka-mahal ang edukasyon, butas-butas ang bulsa ng mga magulang upang maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak, makapagtapos

Read More »

Cha-cha talaga?

 67,487 total views

 67,487 total views Mga Kapanalig, umuugong na naman ang panukalang amyendahan ang ating Saligang Batas.  Isa sa mga nagbunsod nito ay ang hindi pagkakasundo ng mga

Read More »

Mga mata ng taumbayan

 83,247 total views

 83,247 total views Mga Kapanalig, mainit na usapin pa rin ngayon ang mga maanomalyang flood control projects. Bilyun-bilyong piso kasi ang inilalaan ng ating pamahalaan para

Read More »

Bumabaha sa katiwalian

 101,746 total views

 101,746 total views Mga Kapanalig, hindi lang dismayado si Pangulong Bongbong Marcos Jr sa mga anomalyang nakapalibot sa malalaking flood control projects. Galit na raw siya.

Read More »

POOR GETTING POORER

 120,890 total views

 120,890 total views Bakit hindi na nakaka-ahon sa kahirapan ang maraming Pilipino habang patuloy namang yumayaman ang mga mayayaman na? Ano ang pumipigil sa mga mahihirap

Read More »

LUCKY 15

 124,123 total views

 124,123 total views Sila ang pinagpala., ang 15 kumpanyang ito ang nakakuha ng mahigit sa 100-bilyong pisong flood control projects 0 20-porsiyento ng kabuuang flood control

Read More »

Sumbong sa pangulo

 127,943 total views

 127,943 total views Mga Kapanalig, inilunsad ni Pangulong Bongbong Marcos Jr noong nakaraang Lunes, Agosto 11, ang “Sumbong sa Pangulo” website na layong magbigay impormasyon tungkol

Read More »

Tapang at malasakit sa gitna ng panganib

 132,346 total views

 132,346 total views Mga Kapanalig, dahil sa mahusay na pagmamaniobra ng Philippine Coast Guard (o PCG), nakaligtas ang kanilang barko sa muntikang banggaan ng mga barko

Read More »
Scroll to Top