Healing Priest, nagpapasalamat sa mga nagdarasal sa kanyang mabilis na paggaling sa COVID 19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 608 total reads

Nagpasalamat si healing priest Fr. Joey Faller ng Kamay ni Hesus sa lahat ng nagdasal para sa agarang paggaling mula sa coronavirus.

Sa panayam ng Radio Veritas, sinabi ng pari na nasa mabuti itong kalagayan bagamat nakaranas ng mild symptoms ng COVID-19.

“Huwag po kayong mag-alala at maraming salamat po sa mga nagdadasal, I feel better and good; ako po ay masayang nag-self quarantine dito sa Kamay ni Hesus,” pahayag ni Fr. Faller sa Radio Veritas.

Agad namang nagsagawa ng contact tracing sa kanilang lugar sa mga nakasalamuha ni Fr. Faller habang sumailalim na rin sa quarantine ang dalawang kawani ng Kamay ni Hesus na nagpositibo rin sa virus.

Kasalukuyang nagsagawa ng disinfection sa buong lugar para matiyak ang kaligtasang pangkalusugan ng iba pang kawani at maihanda sa muling pagbubukas ang Kamay ni Hesus.

Kasalukuyang sarado sa publiko ang Kamay ni Hesus para bigyang daan ang paglilinis dito.

“Mula June 3 hanggang June 10 sarado po ang Kamay ni Hesus, nag disinfect na kami agad then after 7 days disinfect ulit ang buong lugar para yung virus ay hindi na lumaganap,” ani Fr. Faller.

Ibinahagi pa ng healing priest na nakatanggap na rin ito ng first dose ng bakuna ng Aztrazeneca kaya’t marahil mild symptoms lang ang naranasan nitong epekto ng COVID-19 sa katawan.

Patuloy na pinaalalahanan ni Fr. Faller ang mamamayan na huwag mawalan ng pag-asa bagkus ay kumapit sa biyaya ng Panginoon na mapagtagumpayan ang negatibong epekto ng pandemya sa pamayanan.

“Patuloy tayong manalangin at hindi tayo pababayaan ng Panginoon, kapit lang kay Lord, Mama Mary loves us, Jesus loves us,” dagdag pa ni Fr. Faller.

Sa tala ng Department of Health nasa 1.2 milyon na ang nahawaan ng COVID-19 sa buong Pilipinas kung saan 90 porsyento dito ang gumaling sa karamdaman.

Puspusan din ang isinasagawang vaccination rollout ng pamahalaan para maabot ang herd immunity sa bansa ngayong taon.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 14,854 total reads

 14,854 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 15,854 total reads

 15,854 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 31,818 total reads

 31,818 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 69,195 total reads

 69,195 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 100,464 total reads

 100,464 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 175,698 total reads

 175,698 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 268,380 total reads

 268,380 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 14,855 total reads

 14,855 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top