Obispo, nagpapasalamat sa 50-percent na seating capacity sa eucharistic celebrations

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 597 total reads

Ikinagalak ni San Pablo, Laguna Bishop Buenaventura Famadico, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Clergy ang desisyon ng pamahalaan hinggil sa pagsasagawa ng religious activities sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine.

Ito’y matapos pahintulutan ang 50-percent seating capacity sa mga simbahan sa mga lugar na sakop ng NCR plus bubble na kinabibilangan ng mga lungsod at lalawigan mula sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Ayon kay Bishop Famadico, ito’y magandang balita para sa lahat ng mananampalataya upang mabigyan ng balanse ang kanilang pagnananais na makadalo sa mga pagtitipon sa simbahan at maipahayag nang buong-puso ang kanilang pananampalataya sa kabila ng pandemya.

“Ito’y dapat nating ikatuwa dahil sa gawain ng pagsamba lalo na sa simbahan, kailangan na bigyan ng balanse ang pagnanais ng mga tao na makapunta ng simbahan at kasama ng mga kapwa mananampalataya ay magpupuri at magpapasalamat bilang bayan ng Diyos,” pahayag ni Bishop Famadico sa panayam ng Radio Veritas.

Tiniyak naman ng Obispo na sa kabila nang pagtaas ng bilang sa kapasidad na maaaring dumalo sa mga pagtitipon sa mga simbahan ay ipagpapatuloy pa rin ang mahigpit na pagpapatupad ng minimum health protocols bilang pag-iingat na magkaroon ng COVID-19 transmission.

“Sa kabilang dako kailangan din ang pag-iingat sa pamamagitan ng distancing. We make the best of what we have,” dagdag ni Bishop Famadico.

Nagsimula na noong unang araw ng Hunyo ang pagpapatupad sa panibagong panuntunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na nagpapahintulot sa 50-porsyentong kapasidad ng simbahan sa mga lugar sa loob ng NCR plus bubble.

Paglilinaw naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na maaaring baguhin ng mga lokal na pamahalaan ang panuntunan kung ninanais pa rin nitong ipatupad ang mas mababang bilang ng kapasidad.

Una nang nanindigan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na mahalaga ang pananampalataya at buhay espiritwal ng bawat isa lalo na sa gitna ng banta ng pandemya na nagdudulot ng takot, pangamba at kawalan ng katiyakan sa bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 90,415 total reads

 90,415 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 184,445 total reads

 184,445 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 228,713 total reads

 228,713 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 251,822 total reads

 251,822 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 322,871 total reads

 322,871 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 147,220 total reads

 147,220 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top