Health care workers, pinasalamatan ng CBCP-ECHC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 539 total reads

Nagpapasalamat si Fr. Dan Cancino, MI sa mga nangangalaga sa mga may karamdaman lalo na sa kasagsagan ng coronavirus pandemic.

Ayon kay Fr. Cancino, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Health Care na malaki ang naiitulong ng mga tagapag-alaga ng maysakit para sa mabilis na paggaling ng mga may karamdaman.

Sinabi ng pari na ang mga tagapag-alaga ang nagsisilbing instrumento ng Panginoon para sa mga pasyente upang mabanaagan ang liwanag ng pag-asa ng kagalingan.

“Sa panahon ngayon, ang ating pangangalaga sa maysakit ay nagluluningning na. Sa mga nag-aalaga sa maysakit, sa ating mga carers, caregivers, manggagawa sa kalusugan – sa ospital at sa komunidad, maraming salamat sa malasakit at paghahatid ng liwanag ng ating Panginoon lalong lalo na sa mga dumaranas ng karamdaman,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Batid ni Fr. Cancino ang pagsasakripisyo ng mga healthcare workers at mga caregivers na nag-alay ng kanilang mga oras upang mapaglingkuran at matulungang gumaling ang mga pasyente mula sa mga karamdaman.

Nitong nakaraang dalawang taon ng pandemya, nasaksihan ng lahat ang mahalagang ambag ng mga medical frontliners sa pagtugon sa nakakahawa at nakamamatay na COVID-19.

Ilan sa mga ito ang binawian na ng buhay dahil sa labis na pagtatrabaho alang-alang sa mga pasyenteng nagnanais na gumaling at makaligtas sa malalang sakit.

“We recognize your love and your effort to the sick. Dito natin makikita sa puso ng bawat tao na nandoon pa rin yoong itinatak ng Panginoong Diyos na mangalaga sa kapwa,” ayon sa pari.

Dalangin naman ni Fr. Cancino na nawa’y dumami pa ang mga tagapag-alaga na may mabubuting puso upang maging inspirasyon ng nakararami sa pagtulong para sa kagalingan ng mga may karamdaman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 183,979 total reads

 183,979 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 254,847 total reads

 254,847 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 288,296 total reads

 288,296 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 323,595 total reads

 323,595 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 542,734 total reads

 542,734 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 161,018 total reads

 161,018 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top