Ipatupad ang batas sa “renewable energy”, hamon ng CEED kay Pangulong Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,149 total reads

Hinihiling ng Center for Energy, Ecology, and Development sa bagong administrasyon na isulong ang renewable energy sa Pilipinas.

Ayon kay CEED Research, Policy and Law Program Head Attorney Avril de Torres, mahalagang bigyang pansin ng pamahalaan ang kahalagahan ng malinis at abot-kayang enerhiya lalo’t apektado ang bansa ng pagtaas sa presyo ng kuryente at produktong petrolyo na labis na nagpapahirap sa mamamayan.

“Majority pa rin po ng kuryenteng ginagamit natin galing sa fossil fuels ay mahigit 70 percent. Kapag sinabi po nating fossil fuels, ito po ay coal, natural or fossil gas or oil,” ayon kay de Torres sa panayam sa Barangay Simbayanan.

Naniniwala naman ang abogado na maraming posibilidad ang bansa para sa paggamit ng renewable energy na kinakailangang palawakin at paigtingin upang mas makilala at tangkilikin ng publiko.

Ang Pilipinas ay gumagamit ng renewable energy sources kabilang na ang hydropower, geothermal at solar energy, wind power at biomass resources.

Batay sa pagsusuri, nasa higit-200 gigawatts ng renewable energy ang hindi pa nagagamit ng Pilipinas na higit na makakatulong upang matugunan ang umiiral na krisis sa enerhiya ng bansa.

“Mayroon na tayong batas na renewable energy law, marami na tayong polisiya at mekanismo na pwede nating gamitin para isulong ang renewable energy if this is the matter of implementation,” saad ni de Torres.

Iminumungkahi naman ng CEED ang pagkakaroon nang maayos na Energy Transition Plan upang mas masuri ang maaari pang pagkunan ng renewable energy sa bansa, maging ang paghikayat sa mga energy distribution utilities na tangkilikin ito.

Kapag naisakatuparan ito, maaari nang maabot sa taong 2030 ang 50 mula sa 35 porsyentong plano ng bansa para sa pagkakaroon ng ligtas, malinis, at abot-kayang enerhiya.

Ayon sa International Renewable Energy Agency (IRENA), tinatayang aabot sa 7,617 megawatts (MW) ang renewable energy capacity ng Pilipinas noong 2021 kumpara sa 6,986 MW noong 2020.

Una nang iminungkahi ng Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang Laudato Si’ ang pagpapalawak sa paggamit ng renewable energy upang maibsan ang kakulangan sa kuryente, at mapalitan ang mga fossil fuels na nagdudulot ng pagkasira sa kalikasan.(Michael)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 182,790 total reads

 182,790 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 253,727 total reads

 253,727 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 287,176 total reads

 287,176 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 322,474 total reads

 322,474 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 541,679 total reads

 541,679 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 160,969 total reads

 160,969 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top