Problemang dapat tutukan ng Pangulong Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 674 total reads

Pagpapatibay sa kurikulum ng edukasyon, tulong sa mga sektor ng agrikultura at maayos na pagpapatupad ng pamamahala ng bansa.

Ito ang nais na marinig ni UP Political Science Professor Dennis Blanco sa gaganaping kauna-unahang pag-uulat sa bayan ni President Ferdinand Marcos Jr sa Batasang Pambasa sa July 25, 2022.

Naniniwala din si Prof. Blanco na malaking hamon para sa pangulo na timbangin ang iba’t-ibang usapin sa bansa at ang pagtupad sa mga pangako sa kaniyang kampanya.

Kabilang na ang mga suliraning dapat bigyang-pansin ng Pangulo sa kaniyang SONA ang pagsusuri ng kasalukuyang kurikulum sa edukasyon mula sa elementarya, K-12, at kolehiyo sa bansa.

“Kailangan ihanda natin ‘yung ating mga mag-aaral na ‘yung mga kaalamang kanilang napag-aralan o nakuha sa paaralan ay talagang magagamit nila kapag nasa ‘real’ [o] actual work environment na sila. So, kailangan rebyuhin natin ang curriculum natin sa Science, sa Mathematics, ganu’n na rin sa Reading Comprehension,” saad ni propesor sa panayam ng Radio Veritas.

Nais din ng Prof. Blanco na mabigyan ng sapat na tulong ang mga magsasaka at mangingisda upang mapababa ang presyo ng mga bilihin at maiwasan ang pagkakaroon food shortage sa bansa.

Dagdag pa ng propeso, kinakailagngan ding mabigyang linaw sa talumpati ni Pangulong Marcos ang usapin tungkol sa ‘rightsizing bill.’

“Pag-aralang mabuti kung ang rightsizing bill ba ay magiging makatuwiran, at magiging makatao, at ito ba talaga ay magiging solusyon para lalong maging mahusay at kapaki-pakinabang ang paglilingkod ng mga tao sa gobyerno,” ani propesor.

Tulad ng pinanghahawakang ‘unity’ ng bagong administrasyon, hiling ni Prof. Blanco na mag-kaisa ang mga institusyon sa gobyerno, tulad ng lehislatibo at ehekutibo, sa pagpapatupad ng mga bagong programa at panukala para sa mga Pilipino. | with News Intern Chris Agustin

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 181,488 total reads

 181,488 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 252,517 total reads

 252,517 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 285,965 total reads

 285,965 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 321,264 total reads

 321,264 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 540,536 total reads

 540,536 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top