Hindi bawal ang pagkakawanggawa

SHARE THE TRUTH

 101,764 total views

Maligayang Pasko, mga Kapanalig!

Sumapit na nga ang pinakamasayang pagdiriwang para sa ating mga Katoliko. Sa araw na ito, ipinanganak si Hesus na ating Tagapagligtas. Sa kanyang pakikipag-usap sa mga bata dalawang Biyernes na ang nakaraan, sinabi ni Pope Francis, “Christmas is a reminder that God loves us and wants to be with us.” Paalala ang Pasko na mahal tayo ng Diyos at nais Niyang makapiling tayo. Sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, pinili ng Diyos na samahan ang sangkatauhan at manatili sa ating piling. 

At ang payak Niyang pagdating sa mundo ay isang paalala rin ng pagkiling ng Panginoon sa mga dukha at maliliit. Isinilang Siya—hindi sa isang palasyo o mansyon—kundi sa isang karaniwang lugar na pinaglalagian ng mga pastol, sa isang hamak na sabsaban “sapagkat wala nang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan,” mababasa nga natin sa Lucas 2:7. Itinaboy si Hesus ni Herodes, ngunit tinanggap naman siya ng mga ordinaryong pastol ng Bethlehem. Ipinanganak Siya sa piling ng mga aba, ng mga walang kapangyarihan, at ng mga maliliit sa lipunan.

Ang pagtanggap na ito ng mga pastol sa sanggol na si Hesus ay maituturing na inspirasyon para sa ating mga Katolikong buksan ang ating mga puso sa ating kapwa, lalo na sa mahihirap at mga nangangailangan. Kaya naman, ang diwa ng Pasko ay hindi lamang tungkol sa pagsasama-sama ng mga pamilya kundi sa pagiging kapatid natin sa iba. Panahon din ito ng pagbabahagi sa iba, kahit pa sa mga hindi natin kakilala, ng ating mga natanggap na biyaya. 

Ngunit umapela ang Department of Social Welfare and Development (o DSWD) sa publiko na huwag magbigay ng limos sa mga nasa lansangan ngayong Kapaskuhan. Kung gusto raw nating tumulong, huwag daw gawin sa lansangan dahil delikado sa mga nangangailangan. Idaan na lang daw sa mga satellite offices ng DSWD ang ating donasyon at sila na ang bahalang ipaabot ang mga ito sa mga pamilyang walang matirahan o nag-iikot upang mamalimos. Gawin daw natin sa mas “organisadong pamamaraan” ang ating kagandahang-loob.

Sa isang banda, talaga namang delikado para sa mga kababayan nating namamalimos ang mag-ikut-ikot o manatili sa lansangan. Maaari silang masagasaan ng mga sasakyan o kaya naman ay pagsamantalahan ng masasamang-loob. 

Sa kabilang banda, hindi sila mapapadpad sa lansangan kung nakararating nga sa kanila ang tulong na dapat na naipaaabot sa kanila ng gobyerno gamit ang buwis na ating iniaambag. Kung may kabuhayan ang mga kapatid natin sa mga liblib na lugar, hindi na sila mangangahas bumaba sa mga lungsod upang humingi ng kahit kaunting barya. Kung may nakakain sila sa kanilang pinanggalingan, hindi na sila mamamalimos. Kung may maayos silang tirahan, hindi nila pipiliing tiisin ang lamig sa kalsada. Kung nabigyan sila ng maayos na edukasyon, hindi sila mapipilitang umasa sa awa ng iba. Tiyak na hindi gugustuhin ng mga tatay, nanay, lolo, lola, at mga bata ang mamalagi sa kalsada kung may choice lamang sila. Ang katotohanan para sa marami sa kanila, wala silang choice.

Mga Kapanalig, nakalulungkot na ang pag-aabot ng tulong, kahit kakaunti lang, ay nakikitang pangungunsinti sa gawaing itinuturing na mali—o hindi “organisado”—ng mga may komportableng pamumuhay, ng mga sagana sa pribilehiyo, at ng mga may sinasabi sa buhay. Samantala, tayo namang mga ordinaryong mamamayan, lalo na ang mga Katoliko, ay inaanyayahang huwag lamang manatili sa pagbibigay ng limos. Ang laging hamon sa atin: ibigin si Hesus, ang Mesias, sa pamamagitan ng pag-ibig sa mahihirap. Hindi lamang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ngayong Pasko. Gawin natin ito sa pamamagitan ng pagkalampag sa mga may kakayahan at may malaking tungkuling iahon ang mahihirap—kasama na rito ang gobyerno at maging ang ating Simbahan mismo.

Sumainyo ang katotohanan!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Cybercrime

 75,233 total views

 75,233 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 86,879 total views

 86,879 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Blue Economy

 96,126 total views

 96,126 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 101,923 total views

 101,923 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 114,311 total views

 114,311 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cybercrime

 75,234 total views

 75,234 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 86,880 total views

 86,880 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Economy

 96,127 total views

 96,127 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 101,924 total views

 101,924 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 114,312 total views

 114,312 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pwedeng taumbayan naman?

 64,705 total views

 64,705 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 99,916 total views

 99,916 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga gig workers

 145,751 total views

 145,751 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Online work at kababaihan

 146,769 total views

 146,769 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disaster Preparedness

 120,535 total views

 120,535 total views Ang ating bansa ay madalas sinasalanta ng iba’t ibang kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa. Ang mga kalamidad na ito ay nagdudulot ng pinsala sa ari-arian, kabuhayan, at higit sa lahat, sa buhay ng maraming Pilipino. Ayon nga sa mga eksperto, malaki ang tsansa na umabot ng P1.5 trillion ang halaga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panahon ng biyaya at pagbabagong-loob

 117,594 total views

 117,594 total views Mga Kapanalig, sa kanyang mensahe para sa paggunita ng Kuwaresma ngayong taon, sinabi ni Pope Francis na ang panahong ito ay isang panahon ng biyaya. Isa itong pagkakataon para sa pagbabagong-loob at kalayaan. “Lent is a season of conversion, a time of freedom,” paalala ng Santo Papa sa ating mga Katoliko. Sa naturang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, hindi pagkakawatak-watak

 118,636 total views

 118,636 total views Mga Kapanalig, kung hindi pa kontrobersyal ang lamat sa pagitan ng binansagang “UniTeam” ng mga Marcos at Duterte, lumutang naman ang mungkahi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na humiwalay na sa Pilipinas ang Mindanao. Ibang klaseng hiwalayan naman ito. Sa kasagsagan ng debate tungkol sa Cha-cha at sa people’s initiative, sinabi ng dating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Is that good?”

 123,065 total views

 123,065 total views Mga Kapanalig, sa isang pastoral letter na inilabas noong huling araw ng Enero, pinuna ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) ang nagpapatuloy na people’s initiative kung saan kinukuha ang suporta ng taumbayan para bumoto bilang isang lupon ang mga senador at kongresista sa Charter change o Cha-cha.  Katulad ng ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Enerhiya

 137,265 total views

 137,265 total views Ang sektor ng enerhiya ay kritikal sa ating bansa. Ito ang pundasyon ng mga industriya, komersyo, at pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan. Kung hindi natin mahaharap ang mga hamon na umaaligid dito, malaking problema ang sasalubong sa ating bayan sa kalaunan. Isa sa pinakamalaking hamon sa sektor ng enerhiya sa Pilipinas ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Agrikultura

 147,718 total views

 147,718 total views Kapanalig, sa panahon ng digital age, nakakalimutan natin minsan ang sektor ng agrikultura. Ito ay isang malaking oversight, lalo pa’t ang karamihan sa mga maralita sa ating bansa ay sakop ng sektor na ito. Tinatayang mga 60% ng mga mahihirap sa ating bansa ay nasa agricultural sector. Isa sa mga pangunahing suliranin na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top