Pagmamalasakit,ipadama sa kapwa-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,354 total reads

Pinaalalahanan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na si Hesus ay nakikilakbay at nakipamuhay sa sangkatauhan.

Ito ang buod ng pagninilay ng arsobispo sa misang ginanap sa Manila Cathedral sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni Hesus.

Ayon kay Cardinal Advincula isinakatuparan ng Diyos ang pangakong magkatawang tao upang maging kaisa ng tao sa paglalakbay at upang tubusin ang sanlibutan mula sa dilim ng kasalanang dulot ng makamundong pagnanasa.

“Sa pagkakatawang-tao ng Diyos, tunay na sinamahan tayo ng Diyos sa ating paglalakbay sa buhay…Dahil may Pasko, may katiyakan tayong karamay natin ang Diyos, kalakbay natin ang Diyos at hindi tayo nag-iisa,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Advincula.

Sa mensahe ng cardinal ngayong Pasko ng Pagsilang ni Hesus hinimok nito ang mamamayan na tularan si Maria na buong kababaang loob na tumugon sa tawag ng Panginoon na iluwal si Hesus para sa katubusan ng sanlibutan.

Nawa’y ipadama sa kapwa ang diwa ng pagmamalasakit lalo’t higit sa nangangailangan at naisasantabing sektor ng lipunan kabilang na ang mga may karamdaman, matatanda, bilanggo, mga may pinagdadaan at mga maralitang sektor ng pamayanan.

“This Christmas, let us be more concrete and specific in our words of gratitude and acts of charity. Like Mary in the Magnificat, let us recount the great things God has done for us and share them with others,” saad ni Cardinal Advincula.

Bago ang misa nitong December 24 isinagawa ang Christmas Eve concert tampok ang pagtatanghal ng Manila Cathedral Basilica Choir at Kubli Filharmonik String Ensemble.

Kasama ni Cardinal Advincula sa banal na pagdiriwang sina Manila Cathedral Rector Msgr. Rolando dela Cruz, Vice Rector Fr. Vicente Gabriel Bautista, Fr. Mico Dellera at Fr. Rico Ayo ng CBCP – Episcopal Commission on Famly and Life.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 4,102 total reads

 4,102 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 53,820 total reads

 53,820 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 155,086 total reads

 155,086 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 225,262 total reads

 225,262 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 311,560 total reads

 311,560 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top