920 total views
Bilang pinakamataas na pinuno ng bansa, ang punong ehekutibo ang ang may pangunahing pananagutan sa pamamalakad ng gobyerno.
Ito ang reaksyon ni Fr. Jerome Secillano- Executive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Public Affairs, kaugnay sa panawagan ng pangulo na ‘courtesy resignation’ ng lahat ng miyembro ng gabinete.
“PBBM should be reminded that if the head truly works, everything else follows. Yes, it’s time for him to lead and show gravitas in meeting people’s expectations,” ayon kay Fr. Secillano.
Ayon sa pari, hindi makatarungan na ang mga kalihim ang sisihin sa mabagal at hindi matagumpay na pamamalakad ng administrasyon.
Binigyang-diin ng pari na ang pangunahing pananagutan sa pamamalakad ng bansa ay nakasalalay sa Pangulo.
Naniniwala si Fr. Secillano na panahon na upang personal na gampanan ng Pangulo ang buong pamumuno, at akuin ang lahat ng responsibilidad sa pamamahala ng gobyerno.
Iginiit rin ni Fr. Secillano na kung mahusay at epektibo ang pinuno, susunod ang buong sistema ng pamahalaan.
“It’s lame to look at cabinet secretaries for his administration’s dismal performance. It’s about time that he takes full command and full responsiblity for managing our nation’s affairs,” ayon pa sa pari.
Sa kasalukuyan, may 30 na ang bilang ng mga kalihim at miyembro ng gabinete ang nagsumite ng liham ng pagbibitiw kabilang na si Executive secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Crispin Remulla, Finance Secretary Ralph Recto at Budget Secretary Amenah Pangandaman.