Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi kailangan ng batas militar upang mamatay ang demokrasya

SHARE THE TRUTH

 1,628 total views

Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan, may kumalat na post sa Facebook na nagsasabing: “I am ready for martial law.”  Ayon sa post na ito, sobra na raw ang demokrasya sa ating bansa. Ipagkatiwala na lang daw natin sa pangulo ang pagpapasiya sa kung ano ang nararapat.  

Sobra na nga ba ang demokrasya sa ating bansa?  

Mahalagang sangkap ng demokrasya ang pakikilahok ng mga tao sa lipunan sa isang makahulugang paraan—hindi sa pamamagitan ng paghalal ng isang pinuno na gagawa ng lahat ng desisyon para sa kanila, kundi sa patuloy na pakikibahagi sa pagpapasya tungkol sa pamamalakad at patutunguhan ng lipunan.  

Isang pamamaraan ng pakikilahok ang malayang talakayan. Dito maihahayag ng mga tao ang sariling kuru-kuro at pananaw tungkol sa dapat gawin ng pamahalaan at taumbayan sa ikabubuti ng nakararami. Ang malayang talayakan ay nakabatay sa karapatan ng malayang pananalita.  Ang karapatang ito ay kinikilala ng Gaudium et Spes, isang dokumento ng Second Vatican Council at bahagi ng kataruang panlipunan ng ating Simbahan, bilang kondisyon sa aktibong pakikikibahagi ng taumbayan sa buhay at pamamahala ng estado.

Sipatin nga natin, mga Kapanalig, ang kalagayan ng malayang pananalita sa ating bansa ngayon.  

Tunay ngang buhay pa rin ang malayang pananalita sa ating lipunan, lalung-lalo na sa mass at social media. Ngunit kapansin-pansin ang panggigipit na nangyayari ngayon sa mga naghahayag ng hindi pagsang-ayon sa ilang panukala o pamamalakad ng pamahalaan.  

Ang panggigipit ay nanggagaling hindi lamang sa ilang opisyal ng pamahalaan, kundi sa mga pangkaraniwang mamamayan. Magsabi kayo ng opinyong taliwas sa patakaran ng pamahalaan ay aani kayo mula sa mga taong hindi ninyo kilalá (at hindi kayo kilalá) ng insulto at paratang na wala namang batayan sa katwiran. Nariyang sasabihan kayong “bobo”, “bayaran”, “dilawan”, “kriminal”, “kasabwat ng drug lord”, o kalaban ng pagbabago, “enemies of change.” Minsan nauuwi pa sa mararahas na mga banta—dahil tila ba nauuso na sa ating lipunan ang mararahas na banta. Bakit kaya? Dahil dito, marami nang natatakot maghayag ng opinyong kritikal at kumikuwestyon sa anumang palakad ng pamahalaan.  

Marahil ipagtatanggol ng mga nang-iinsulto, nag-aakusa, at nagbabanta ang ganitong panggigipit bilang karapatan nila sa malayang pananalita. Ngunit hindi demokratiko ang paggamit ng malayang pananalita kung ang pakay nito ay kitilin ang malayang pananalita ng mga taong may iba at kasalungat na pagtingin. Lalo itong hindi demokratiko kapag nauuwi sa mararahas na banta. Sabi nga ng peace activist na si Johan Galtung: ang mararahas na banta, hindi man tuparin, ay karahasan pa rin. Hindi paraang demokratiko ang paggamit ng karahasan upang maresolba ang pagkakaiba ng pananaw.  

Kung laganap sa ating lipunan ang ganitong panggigipit, masasabi kayang sobra ang demokrasya sa ating bansa?

Hindi tunay ang demokrasya kung iisa ang opinyong umiiral rito at walang tumututol.  Kailangang hayaang maihayag ang iba’t ibang pananaw at maipagtanggol ito sa pamamagitan ng katwiran at ebidensya, hindi sa pamamagitan ng pang-iinsulto, demonisasyon, at pananakot.

Ang panggigipit sa mga taong may ibang pananaw—magmula man sa pamahalaan o sa pangkaraniwang tao—ay isang paraan ng pagpatay sa demokrasya. Hindi kailangan ng batas militar para patayin ang demokrasya. Upang mamatay ang demokrasya, kailangan lang na pairalin ang iisang pananaw sa pamamagitan ng pambu-bully at pagbabanta sa may ibang pananaw, at kailangan lang na ang binu-bully at binabantaan ay tumahimik.   

Mga Kapanalig, ipagdasal natin ang mga opisyal ng pamahalaan at ang ating mga sarili, na nawa’y ang maging tugon natin sa naiibang pananaw ay ang pakikinig at pagiging bukás na umunawa at mangatwiran—hindi ang pang-iinsulto o pagbabanta. Ipagdasal rin nating patuloy tayong bigyan ng Panginoon ng katapangang tumutol sa mga patakaran ng pamahalaang hindi naaayon sa Kanyang mga batas.

Ngayong ika-40 taóng anibersaryo ng batas militar, ipagdasal rin nating patuloy na mabuhay ang ating demokrasya, at ang malayang talakayang nakabatay sa malayang pananalita.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 3,120 total views

 3,120 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 11,220 total views

 11,220 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 29,187 total views

 29,187 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 58,628 total views

 58,628 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 79,205 total views

 79,205 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 3,121 total views

 3,121 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 11,221 total views

 11,221 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 29,188 total views

 29,188 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 58,629 total views

 58,629 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 79,206 total views

 79,206 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 84,778 total views

 84,778 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 95,559 total views

 95,559 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 106,615 total views

 106,615 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 70,477 total views

 70,477 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 58,906 total views

 58,906 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 59,128 total views

 59,128 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 51,830 total views

 51,830 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 87,375 total views

 87,375 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 96,251 total views

 96,251 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 107,329 total views

 107,329 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top