Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi maaring kumandidato sa 2022 elections ang sinungaling

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 477 total views

Mahalaga ang pagiging matapat at makatotohanan ng mga kandidato sa kabuuang proseso ng halalan.

Ito ang binigyang diin ni Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm – Chairperson ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) na isa sa mga naghain ng petisyon sa Comission on Elections (COMELEC) upang makansela ang kandidatura para sa pagkapangulo ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa Pari na siya ring Co-Executive Secretary ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP), hindi dapat na ituring na maliit na bagay ang pagsisinungaling sapagkat sumasalamin ito sa kanilang magiging paraan ng pamamahala sa bansa.

Inihayag ni Fr. Buenafe na bilang mga lingkod ng Simbahan at nagsusulong ng karapatang pantao ng bawat mamamayang Pilipino ay katotohanan at katarungan ang tanging hinahangad ng mga naghain ng petisyon laban sa kandidatura ni Bongbong Marcos.

“Hindi po kaunting bagay ang pagsisinungaling, you are volunteering to run in a public office tapos here you are, the fact that you lied, you falsely claim that you where not convicted, mahalaga as church people kaya nga we always talk on mercy and compassion and forgiveness, okey yun walang problema pero yung awa or reconciliation na sinasabi ay nakabatay din, is also grounded on justice, what is fair, what is just, what is right at yun ang gusto naming i-pursue that’s why it is really a test of rule of law as far as the Omnibus Election Code is concern, so mahalaga po yung katapatan at pagiging makatotohanan.” pahayag ni Fr.Buenafe sa panayam sa programang Veritas Pilipinas.

Ayon sa Pari, walang sinumang indibidwal o grupo ang dapat na sisihin ng kampo ni Marcos kaugnay sa nasabing petisyon na inuugnay sa pagsabotahe at pamumulitika sa kandidatura ng anak ng dating diktador na si Ferdinand Marcos.

Giit ni Fr. Buenafe, self-inflicted o kasalanan mismo ni Bongbong Marcos ang hindi paghahain at pagbabayad ng tamang income tax return na dahilan upang siya ay mahatulan ng krimen sa isang Quezon City Regional Trial Court noong 1995 kaugnay sa hindi tamang pagbabayad ng buwis na kinatigan ng Court of Appeals noong 1997.

Partikular ding tinukoy ng Pari, ang tahasang pagsisinungaling at hindi pagdideklara ni Bongbong Marcos sa kanyang Certificate of Candidacy sa naturang kaso at hatol na isang batayan upang kanselahin ang kanyang inihaing kandidatura para sa pagkapangulo sa nakatakdang halalan.

“Ininvoke namin ang Section 78 ng Section 74, Article 9 ng Omnibus Election Code na may falsification parang nagsinungaling na talagang may conviction na nangyari at yun nga sabi naman I think we have to file a petition sa COMELEC, calling the attention of COMELEC na teka muna hindi siya eligible to run for any public office because of that offense, that conviction na inuphold ng Court of Appeals in 1997. Actually kagagawan niya, siya din ang nag-check ng ‘No’ wala daw [siya na any conviction sa kanyang Certificate of Candidacy] eh meron naman, so yun po ang aming petition, i-cancel ng kanyang COC.”
Dagdag pa ni Fr. Buenafe.

Ayon sa Pari, nakasalalay na sa COMELEC ang pagpapairal ng batas at katarungan batay na rin sa nasasaad sa Omnibus Election Code.

Ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) na isa sa mga mission partner ng AMRSP ay isa lamang sa mga organisasyon na naghain ng petisyon sa COMELEC noong ika-2 ng Nobyembre, 2021 kasama ang iba’t ibang mga human rights organization sa bansa upang ikansela ang kandidatura ni Bongbong Marcos para sa pagkapangulo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 69,742 total views

 69,742 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 115,465 total views

 115,465 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 117,675 total views

 117,675 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 188,573 total views

 188,573 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 195,713 total views

 195,713 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top