322 total views
Ang buong Simbahang Katolika na binubuo ng bawat binyagan ay inaasahan ni Hesus na tumugon sa pangangailangan ng kapwa partikular na sa mga Kristiyano’t Katoliko na inuusig sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ito ang bahagi ng pagninilay Rev. Fr. Reynaldo V. Romero – Ecclesiastical Assistant ng Aid to the Church in Need Philippines sa ikalimang anibersaryo ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need sa Pilipinas.
Ayon sa Pari, ang anumang gawain o pagsusumikap na may kaakibat na pagmamahal para sa kapwa maliit man o malaki ay sapat na para sa Panginoon.
Inihayag ni Fr. Romero na napakalaki ng pagangailangan ng Simbahan sa buong mundo na matutugunan lamang sa pagkakaisa at pagkakawang gawa.
“Jesus is expecting the church, expecting us to do something to help the church in need. Remember for Jesus, any act of love is never small, any act of love is always enough for the Lord at yun sana ang tandaan natin, napakalaki ng pangangailangan ng Simbahan sa buong mundo kung tayo tayo lang obviously we can only give as much, we cannot give so much, we can only give little but remember the little that we give if given out of love is enough for the Lord.” pagninilay ni Fr. Romero.
Ipinaalala ng Pari na walang anumang maliit na pagsusumikap para sa kabutihan at pagmamahal ang hindi kayang mapalawak at maipalaganap ng Panginoon para sa kapakanan ng mas nakararami.
“The important thing is we do something, the important thing is we help, again we say any act of kindness, any goodness that comes from the heart will always be enough for the Lord and if we placed them in His hands He will do wonders with them, He will feed the multitude.” Dagdag pa ni Fr. Romero.
Hinikayat naman ng Pari ang bawat isa na ipanalangin ang patuloy na paggabay ng Panginoon sa mga kasapi ng ACN Philippines gayundin ang mga may mabubuting puso na mission partners and benefactors ng organisasyon na patuloy na sumusuporta sa misyon at adbokasiya ng Aid to the Church in Need.
Ayon kay Fr. Romero, nawa ay patuloy na biyayaan ng Panginoon ang bawat isa upang maging daluyan ng habag, awa at pagmamahal ng Diyos para sa kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangan, naisasantabi at mga inuusig sa lipunan.
“We also ask the Lord to continue blessing our ACN Philippines volunteers, our ACN Philippines mission partners and benefactors who never get tired of sharing out of love because they have known the flight of our Christian brothers and sisters in our country, we pray for them that God will continue to bless them more so that they can continue sharing the blessings that God has given them.” Panalangin ni Fr. Romero.
Naitatag ang Aid to the Church in Need noong 1947 na kinilala bilang isang papal foundation noong 2011 na nagbibigay ng pastoral at humanitarian na tulong sa mga inuusig na simbahan at kristiyano sa buong mundo.
Taong 2016 ng nagkaroon ng sanggay ang ACN sa Pilipinas na kabilang sa may 145 mga bansa sa buong daigdig na tinutulungan ng organisasyon.