“Holy Hour bilang reparation” sa paglapastangan sa “Ama Namin”, ipinag-utos ni Bishop Ongtioco

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,987 total reads

Hinimok ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang mga parokya at religious communities na sakop ng diyosesis na magsagawa ng Holy Hour sa August 4, unang Biyernes ng Agosto bilang pagbabayad puri sa kalapastanganan sa panalanging ‘Ama Namin’.

Ayon sa obispo ang pag-awit sa panalanging itinuro ni Hesus sa hindi angkop na lugar at pagdiriwang ay patunay ng kawalang pagpahalaga sa kabanalan at kawalang paggalang sa panalangin.

“I ask all the parishes and religious communities to offer the Holy Hour for First Friday of August in reparation for the sacrileges against our Lord.” bahagi ng pahayag ni Bishop Ongtioco.

Sinabi pa ng obispo na nakapaloob sa Ama Namin ang paghahayag ng dakilang pagliligtas ng Diyos sa tao mula sa kasalanan gayundin ang pagturing sa sangkatauhan bilang mga anak kaya’t nararapat lamang itong bigyan ng ibayong paggalang.

Matatandaang nag-viral sa social media noong July 10 ang video ng drag performance ni Pura Luka Vega na umaawit ng Ama Namin sa isang party na inalmahan at mariing kinundena ng mga Pilipino na mayorya ay mga Katoliko.

Paalala ni Bishop Ongtioco na sa tuwing dinadasal ang Ama Namin ang bawat isa ay inaanyayahan ng Panginoon na maging bahagi sa kristiyanong pamayanang nakaugat sa habag, awa at pag-ibig.

Kasabay nito hinikayat ng obispo ang mamamayan lalo na ang mga magulang na turuan ang mga kabataan sa kahalagahan at paggalang sa mga panalangin at sakramento ng simbahan.

“I would also like to urge our dear parishioners to take this opportunity to teach your children the importance of showing respect to everything that is sacred, whether it be the Eucharistic or the Lord’s Prayer and to avoid any act of desecration.” giit ni Bishop Ongtioco.

Nitong July 31 ay nagsampa ng kaso ang Philippines for Jesus Movement laban kay Pura Luka Vega dahil sa paglapastangan sa panalangin habang idineklara rin itong persona non grata sa General Santos City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 32,418 total reads

 32,418 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 83,185 total reads

 83,185 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 131,056 total reads

 131,056 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 235,004 total reads

 235,004 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 319,449 total reads

 319,449 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top