Ipalaganap ang pagkawanggawa sa mga nasalanta ng kalamidad, panawagan ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,670 total reads

Ipalaganap ang biyaya ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkakawanggawa sa mga biktima ng kalamidad.

Ito ang paanyaya ni Caritas Manila executive director Fr. Anton CT Pascual sa publiko kasabay ng panawagan ng tulong para sa mga biktima ng kalamidad lalo sa hilagang Luzon.

Ipinaabot din ng pari ang pasasalamat sa lahat ng mga nakiisa sa ginanap na Caritas Manila Damayan Typhoon Egay Telethon 2023 kung saan nakalikom ng P1.5 million para sa biktima ng bagyo.

“Kaya ipalaganap po natin ‘yan na ang biyaya ng Diyos ay nasa ating pagbibigay, the more we give the more we shall receive… Nawa mapasainyo ang biyaya na inyong kagandahang loob… It is more blessed to give than to receive kasi minsan kapag nakatanggap tayo ng biyaya ang feeling natin blessed tayo pero mas pinagpala daw ang nagbibigay kaysa tumatanggap,” ayon pa kay Fr. Pascual.

Muli naman inaanyayahan ni Fr. Pascual ang lahat na patuloy na magpadala ng tulong para naman sa rehabilitation program ng simbahan matapos ang pananalasa ng bagyo.

Ayon sa pari, hindi natatapos sa relief operation ang pagtulong sa mga nasalanta kundi ang pag-agapay din sa mga pamilyang nawalan ng tahanan at kabuhayan.

Naunang nagpadala ng tulong pinansiyal ang Caritas Manila sa Archdiocese of Tuguegarao, Archdiocese of Nueva Segovia, Diocese of Bangued at Diocese of Laoag.

Read: https://www.veritasph.net/veritas846-news/2/

Namigay din ang Caritas Manila ng 700 Manna bags sa mga biktima ng bagyong Egay sa Binangonan,Talim Island, San Mateo at Montalban sa lalawigan ng Rizal.

Read: https://www.veritasph.net/huwag-mawalan-ng-pag-asa-paalala-ng-pari-sa-naiwang-pamilya-ng-mga-nasawi-sa-laguna-de-bay-tragedy/

Sa tala ng Department of Agriculture, umaabot sa 1.5 bilyong piso ang naitalang napinsala sa sektor ng agrikultura kung saan 94 na libong magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng nagdaang bagyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 30,800 total reads

 30,800 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 81,714 total reads

 81,714 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 129,585 total reads

 129,585 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 233,533 total reads

 233,533 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 318,098 total reads

 318,098 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top