Ang pangamba sa pag-amyenda sa Fisheries Code

SHARE THE TRUTH

 400 total views

Mga Kapanalig, nanawagan sa mga mambabatas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (o SONA) na repasuhin ang Fisheries Code. Inilalatag ng Fisheries Code ang mga probisyong naglalayong protektahan at itaguyod ang mga pangisdaan sa bansa, kasama na ang mga naghahanapbuhay sa mga ito. Naisabatas ang Fisheries Code noon pang 1998 at unang inamyendahan noong 2015. Para kay PBBM, panahon nang repasuhing muli ang batas upang mapaigting ang pangangalaga sa ating mga pangisdaan sa paraang “science-based” o batay sa siyensya.

Bagamat maganda ang sinabing layunin ng pangulo, may mga grupo ng lokal na mangingisdang nangangambang magiging daan ang pag-amyenda sa batas upang itulak ng commercial fishers o iyong mga mangingisdang may mga bangkang mahigit 3 gross tons na pahinutulutan silang mangisda sa municipal waters 

Ang municipal waters ay tumutukoy sa katubigang nakapaloob sa 15 kilometrong layo mula sa baybayin. Ipinagbabawal ng Fisheries Code ang commercial fishers sa municipal waters maliban na lamang kung magpapasá ng ordinansa ang lokal na pamahaalang nakasasakop dito. Kinikilingan ng batas ang mga lokal na mangingisda sa paggamit sa municipal waters. Alinsunod ito sa probisyon ng Saligang Batas, sa ilalim ng Article XIII o Panlipunang Katarungan at Karapatang Pantao, na nagsasabing tungkulin ng Estadong protektahan ang karapatan ng “subsistence fishers” o ang mga mangingisdang umaasa sa karagatan para sa kanilang pagkain. Mangyayari ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng prayoridad sa pakikinabang sa ating mga pangisdaan.   

Kaya naman, naninindigan ang mga lokal na mangingisdang sila lamang ang maaaring mangisda sa municipal waters. Bago pa ang panawagan ni PBBM na amyendahan ang batas, nagsasagawa na ng mga konsultasyon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng Department of Agriculture tungkol sa pag-amyenda sa Fisheries Code. Noong Mayo, naglabas ng pahayag ukol dito ang NGO na Oceana at ang mga lokal na mangingisda sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang manawagan para sa lubos at epektibong pagpapatupad sa Fisheries Code, hindi ang pagbabago rito. Naniniwala silang ang Fisheries Code at mga panuntunan nito ay tumutugon pa rin sa kasalukuyang kalagayan ng mga pangisdaan at mga pagbabago sa mga ito. Dagdag pa rito, kailangan ng sapat na oras at mas maayos na proseso ng konsultasyon sa pagrepaso sa batas. Halimbawa, mahalagang lumalahok sa pag-uusap ang mga science at technical experts, gayundin ang mga kinatawan ng mga kaugnay na ahensiya katulad ng Department of the Interior and Local Government, ang ahensyang pangunahing umaagapay sa mga lokal na pamahalaan. Dapat ding naririnig ang boses ng mga lokal na mangingisda.

Ang pagkiling sa lokal na mangingisda ay sang-ayon sa ilang prinsipyo ng panlipunang turo ng Simbahan. Naniniwala ang ating Simbahang mahalaga ang pagbibigay-atensyon sa mga pangangailangan ng mahihirap. Limitado kasi ang kanilang kakayanan upang itaguyod ang kanilang dignidad at dahil madalas silang nagiging biktima ng kawalan ng katarungan. Hindi lamang sa pagbibigay ng limos o pagkakawanggawa maaaring ipakita ang ating pagkiling at pag-ibig sa mga dukha; mahalaga ang pagsigurong makatarungan ang ating lipunan.3 Ang pagkiling sa mahihirap ay hindi pagbibigay sa kanila ng kung ano ang mayroon tayo. Ito ay pagsasauli ng dapat naman talaga ay kanila.  

Mga Kapanalig, ang Fisheries Code ay isang konkretong instrumento upang maibigay sa mga lokal na mangingisda ang nararapat na sa kanila. Kung maipatutupad lamang ito nang wasto, higit na maipakikita ang tunay na pagkiling ng pamahalaan sa mga dukha. Katulad ng paalala sa Mga Kawikaan 22:22-23, “huwag kang magnakaw sa dukha sapagkat siya’y dukha… ipaglalaban ng Panginoon ang kanilang hangarin.” Nawa’y hindi maging daan ang pag-amyenda sa Fisheries Code upang manakawan ang mga lokal na mangingisda.  

Simainyo ang katotohanan.  

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BICAM OPEN TO PUBLIC

 4,941 total views

 4,941 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 23,913 total views

 23,913 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 56,578 total views

 56,578 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 61,691 total views

 61,691 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 103,763 total views

 103,763 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

BICAM OPEN TO PUBLIC

 4,942 total views

 4,942 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 23,914 total views

 23,914 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 56,579 total views

 56,579 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 61,692 total views

 61,692 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 103,764 total views

 103,764 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 114,936 total views

 114,936 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 116,865 total views

 116,865 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 125,974 total views

 125,974 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 110,138 total views

 110,138 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 129,243 total views

 129,243 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »
Scroll to Top