Hospital Chaplains, nagpahayag ng galit sa talamak na katiwalian sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,646 total reads

Nagpahayag ng matinding pagkadismaya at galit ang mga hospital chaplain at chaplaincy ministers ng Archdiocese of Manila laban sa patuloy na umiiral na katiwalian sa pamahalaan.

Ayon kay University of the Philippines – Philippine General Hospital (UP-PGH) head chaplain, Fr. Marlito Ocon, SJ, direktang naaapektuhan ng korapsyon ang mga ospital at serbisyong pangkalusugan, lalo na para sa mga mahihirap at maysakit.

Iginiit ni Fr. Ocon na ang kanilang pagkagalit ay hindi simpleng damdamin kundi makatuwirang panawagan para sa katarungan.

Aniya, malinaw na nakikita ang epekto ng katiwalian sa kakulangan ng sapat na pasilidad, gamot, at medical staff sa mga ospital.

“When public funds meant to build roads, hospitals, schools, and flood control projects are stolen, our people suffer. When those in power betray the trust given to them, it is not only a crime against the law but a sin against the poor,” pahayag ni Fr. Ocon.

Dagdag ni Fr. Ocon, hindi dapat manahimik ang simbahan at mamamayan sa harap ng ganitong sitwasyon, sapagkat ang pananahimik ay anyo ng pakikiisa sa kasalanan.

Hinimok din ng pari ang lahat na ipakita ang paninindigan sa pamamagitan ng pagboto nang tama, pagtanggi sa suhol, at pagsuporta sa mga tapat na pinuno.

Nilinaw ni Fr. Ocon na ang kanilang galit ay hindi bunga ng poot kundi ng pagmamahal sa bayan, sa mahihirap, at sa katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 54,528 total reads

 54,528 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 159,008 total reads

 159,008 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 195,795 total reads

 195,795 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 226,371 total reads

 226,371 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 272,581 total reads

 272,581 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 57,339 total reads

 57,339 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top