House prosecution, handang magbawas ng testigo sa impeachment trial ni VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,096 total reads

Handa ang House prosecution na bawasan ang bilang ng mga testigong ihaharap sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kung sapat na ang mga naunang testimonya upang mapabilis ang paglilitis.

Ayon kay Prosecution Legal Spokesperson Atty. Benjamin Tolosa Jr. bagama’t nakalaan ang 11 trial days para sa pagtalakay sa Article IV na may kaugnayan sa grave threats, bukas silang gumawa ng mga kinakailangang pagbabago upang hindi na humaba pa ang proseso.

Ipinaliwanag ng mga prosecutor na matapos ang bawat pagdinig ay sinusuri nila ang naging testimonya ng bawat testigo upang matukoy kung alin sa mga nakalistang saksi ang maaari nang hindi ipatawag dahil naiprisinta na ang mahahalagang ebidensya at impormasyon.

“We were given 11 days to present witnesses. But we hear the sentiment of some of the senator judges that it would be better to re-read the proceedings. We also want this to end as soon as possible,” ayon kay Tolosa.

Dagdag pa ni Tolosa, “We don’t want this to last unnecessarily. But of course, without sacrificing our ability to properly, efficiently, and effectively present evidence.”

Iginiit ng prosecution panel na nakahanda silang gumawa ng mga kinakailangang pagbabago sa presentasyon ng mga testigo upang mapabilis ang impeachment proceedings, kasabay ng pagnanais na matapos ang paglilitis sa pinakamaagang pagkakataon nang hindi naaapektuhan ang integridad ng kaso.

Noong nakaraang Linggo, umabot nang dalawang araw ang pagtatanong at cross examination kay NBI Senior Agent Mark Calilong, habang ngayong araw ay isinalang naman sa witness stand si NBI Regional Director Atty. Jeremy Lotoc-ang pangunahing nag-imbestiga kaugnay sa grave threat ni Vice President Sara Duterte laban Kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., first-lady Liza Araneta Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Una ng inihayag ng prosekusyon na aabot sa 92 araw ang impeachment trial o 30 linggo na posibleg umabot hanggang buwan ng Pebrero o Marso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 73,610 total reads

 73,610 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 213,420 total reads

 213,420 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 329,196 total reads

 329,196 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 446,991 total reads

 446,991 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top