Huwag hayaang maulit ang batas military, hamon ng Obispo sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,605 total reads

Hinimok ni 1987 Constitutional Framer Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. ang mga Pilipino na maging mapagmatyag upang maiwasang maulit ang madilim na karanasan ng batas militar.

Ito ang pahayag ng obispo sa paggunita ng ika – 51 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ayon kay Bishop Bacani, nakababahala na sa kasalukuyan maraming mambabatas ang kumikiling sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Let us watch the House of Representatives. Many of them are behaving like tuta once again. That is a good preparation for dictatorship,” pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas.

Batid ng obispo ang malagim na karanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng diktadurang Marcos kung saan laganap ang mga karahasan.

Sa datos ng Amnesty International 70, 000 katao ang nakulong dahil sa paglaban sa gobyerno, 34, 000 ang pinahirapan habang mahigit tatlong libo ang biktima ng extrajudicial killings.

Sa dalawang dekadang panunungkulan ni Marcos Sr., siyam na taon dito ang nasa ilalim ng batas militar mula 1972 hanggang 1981.

Pebrero 1986 nang mawakasan ang diktadurang Marcos kasunod ng mapayapang EDSA People Power Revolution subalit makalipas ang mahigit tatlong dekada muling nakabalik sa pwesto ang pamilya Marcos nang maihalal si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2022 Presidential Election.

Iginiit ni Bishop Bacani na dapat manatiling mapagbantay ang mga Pilipino at manindigan sa mga pananamantala at karahasan sa lipunan.

“Vigilance is the price of freedom, let us be vocal versus abuses,” giit ni Bishop Bacani.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 72,099 total reads

 72,099 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 150,640 total reads

 150,640 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 184,088 total reads

 184,088 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 219,385 total reads

 219,385 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 442,990 total reads

 442,990 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top