Huwag kalimutan ang diwa ng EDSA, paalaala ng obispo sa kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,707 total reads

Ipinapaalala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCCE) sa mamamayan higit na sa mga kabataan na huwag kalimutan ang mga aral at adhikain ng EDSA People Power Revolution.

Ito ang ibinaging mensahe ni San Fernando La Union Bishop Daniel Presto, ang chairman ng komisyon, kasabay ng paggunita sa ika-38 anibersaryo ng makasaysayang bloodless revolution na naging hudyat ng pagtatapos ng diktadurya ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“Sa mga kabataan ay balikan natin ang mga pangyayari na naganap kung ang mga tao ay nagkaroon ng non-violent reaction, revolution doon, tinuturo nito sa mga kabataan ang pagkilos ng hindi marahas sa mga katiwaliang naganap alam natin na sa tulong din ng Mahal na Ina sa pagdarasal mangyayari ang pagbabago,” ayon kay Bishop Presto sa panayam ng Radio Veritas.

Panawagan din ng Obispo ang patuloy na pagsusulong ng pagkakaisa sa lipunan upang maiparating sa pamahalaan ang mga hinaing ng bayan na kinakailangan ng kagyat na pagtugon.

Gayundin ayon sa obispo ang pagkakaisa ng mga pinuno ng bansa upang maging katuwang ng mamamayan upang sama-samang matamasa ang pag-unlad ng bayan.

“Higit sa lahat, ang mga pagnanais nating maging masagana, maunlad sa pagtutulungan natin bilang mga mamamayan at sa ating mga leaders, nawa ay maisakatuparan ang diwa na ito ng EDSA, ilipat ang pagmamahal sa bayan, sa pagsusulong ng bayan para sa kapakanan ng mga mamamayan “

Una nang itinuring ni Sr. Asuncion “Cho” Borromeo, FFM, isa sa mga madre sa 1986 EDSA People Power Revolution, na ang pagtitipon ng napakaraming Filipino sa EDSA bilang isang himala.

Dagdag pa ng madre, higit na nanaig ang pananampalataya ng bawat Filipino na nagresulta sa isang mapayapang pag-aaklas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 48,568 total reads

 48,568 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 133,934 total reads

 133,934 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 180,669 total reads

 180,669 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 228,541 total reads

 228,541 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 330,176 total reads

 330,176 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top