Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwag magbabad sa social media

SHARE THE TRUTH

 350 total views

Kapanalig, sa ating bansa, pakiramdam natin halos lahat naman tayo ay connected na sa internet, hindi ba? Tinatayang 83% ng mga Filipino ay internet users na. Pero tayo bang lahat ay may tunay na access sa teknolohiya?

Ang access sa teknolohiya ay hindi lamang access sa facebook, kapanalig. Ito ay access sa mga digital services na nagtataas ng kalidad ng ating buhay. Kumbaga, hindi lamang chismis o balita ang nakakarating sa atin, kundi serbisyo at productivity.

Kung susuriin natin, kapanalig, ang pag-gamit natin sa internet ay mas matagal pagdating sa social media. May mga pag-aaral na nagsasabi na ang Pilipinas ang number one social media users sa buong mundo. Kaya nga kahit maliit tayo na bansa, maraming mga foreign stars ang naglulunsad ng mga proyekto dito. Ang layo at dami kasi ng inaabot ng ating mga social media posts.

Ang oras sana kapanalig, na ating ginugugol sa social media ay maaari nating magugol sa iba pang aspeto ng internet. Maari rin nating lawakan pa ang pag-unawa sa teknolohiya kapanalig. Maari rin nating tingnan ang aspeto ng digitalization ng mga serbisyong pang-gobyerno, na isa sa mga produktibong pag-gamit ng teknolohiya. Maari rin nating mas tingnan pa ang gamit ng teknolohiya para sa pag-iibayo pa ng ating mga kasanayan at kaalaman.

Ang access sa teknolohiya sa Pilipinas ay isang mahalagang aspeto ng ating lipunan na patuloy na nagbabago at lumalawak. At huwag sana nating isipin na ito ay ukol lamang sa imprastraktura. Sakop din nito ang kamalayan sa tamang pag-gamit ng mga available na serbisyo. Sa pag-unlad ng teknolohiya, kailangan marunong din tayong mag-grab ng mga oportunidad na binibigay nito, at hindi lamang tayo dapat nakababad sa facebook o youtube.

Ang kakayahan at kaalaman sa paggamit ng teknolohiya ay hindi lamang dapat hanggang libangan. Bagamat marami ang may access sa mga gadget at internet, hindi lahat ay may sapat na kaalaman at kasanayan sa paggamit nito. Ito ay nagiging hadlang sa pag-unlad ng digital literacy ng mga Pilipino, na mahalaga para sa mga oportunidad sa trabaho at edukasyon.

Upang matiyak natin na na-mamaximize natin ang teknolohiya sa ating bansa, mahalaga ang pagtutulungan ng gobyerno, pribadong sektor, at mga organisasyon. Dapat magkaroon ng mga programa at proyekto na naglalayong mapalawak ang connectivity at teknolohiya sa mga lugar na nangangailangan. Bukod dito, mahalaga rin ang pagtuturo at pagpapalaganap ng digital literacy sa mga komunidad. Kapanalig, ito ay panlipunang katarungan. Hindi natin dapat hinahayaang malugmok ang lipunan sa kakulangan sa kaalaman o kamalayan. Ayon nga sa Economic Justice for all,  “Social justice implies that persons have an obligation to be active and productive participants in the life of society and that society has a duty to enable them to participate in this way.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 23,356 total views

 23,356 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 31,456 total views

 31,456 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 49,423 total views

 49,423 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 78,506 total views

 78,506 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 99,083 total views

 99,083 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 23,357 total views

 23,357 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 31,457 total views

 31,457 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 49,424 total views

 49,424 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 78,507 total views

 78,507 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 99,084 total views

 99,084 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 86,411 total views

 86,411 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 97,192 total views

 97,192 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 108,248 total views

 108,248 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 72,110 total views

 72,110 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 60,539 total views

 60,539 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 60,761 total views

 60,761 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 53,463 total views

 53,463 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 89,008 total views

 89,008 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 97,884 total views

 97,884 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 108,962 total views

 108,962 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top