Huwag matakot ibahagi ang mensahe ni Hesus, paalala sa bawat binyagan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,658 total reads

Hinimok ng opisyal ng Pontificio Collegio Filippino sa Roma ang mananampalataya na ipagpatuloy ang gawaing pagmimisyon ng mga apostol ni Hesus.

Ayon kay PCF Rector Fr. Gregory Ramon Gaston, tulad ng mga halimbawa nina Apostol San Pedro at San Pablo nawa’y maging masigasig ang bawat binyagang ipakilala si Hesus sa pamayanang kinabibilangan.

“Sana kagaya nina San Pedro, San Pablo at iba pang mga Apostles ay patuloy tayo sa misyon na ibigay at ipalaganap ang mensahe ni Hesus sa lipunan,” pahayag ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.

Umaasa ang Pari na maging halimbawa ang pagbabago ni San Pablo mula sa pagiging makasalanan at naging tagapagpahayag at nagpapakilala kay Hesus sa lahat ng dako ng daigdig lalo na sa mga pamayanang hindi nakakakikilala sa Panginoon.

Ikinalungkot ng pari ang pananahimik ng mananampalataya dahil sa maaring kulang sa kaalaman sa katesismo ng simbahan, kawalang interes sa misyon at ang pagiging takot na walang makikinig sa mga ipinahahayag tungkol kay Hesus.

Tinuran ni Fr. Gaston na maraming paraang maibahagi si Hesus sa kapwa tulad ng pagbabahagi sa mga kawanggawa ng simbahan, mga katolikong eskwelahan at institusyon gayundin ang mga gawain ng bawat parokya tulad ng feeding program, pabahay, edukasyon at pagkalinga sa mga inabandona.

“Napakaraming ginagawa ng ating simbahan na minsan nababalewala, nakakalimutan at inaatake tulad sa karanasan ng mga apostol, kaya patuloy nating ipakita at ipakilala sa lipunan ang mga gawaing ito,” ani Fr. Gaston.

Paalala ng opisyal na sa bawat ginagawa na kasama si Hesus ay makatutulong ito sa isang taong magbalik loob at magkaroon ng interes sa Panginoon sa pamamagitan ng mga halimbawang ipakikita.

Tuwing June 29 ay ipinagdiriwang ng simbahang katolika ang Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo ang dalawang apostol na nagtaguyod sa simbahang itinatag ni Kristo para mangalaga sa kawan ng Panginoon sa sanlibutan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 48,203 total reads

 48,203 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 165,889 total reads

 165,889 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 251,258 total reads

 251,258 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 297,998 total reads

 297,998 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 345,865 total reads

 345,865 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 441,663 total reads

 441,663 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top