Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ibat-ibang laro sa Hungary at Finland, itatampok sa Euro Village

SHARE THE TRUTH

 2,442 total views

Itatampok ng Hungary at Finland ang mga pangunahing laro ng kanilang mga bansa sa gaganaping Euro Village sa June 3 at 4.

Ipakikilala ng Hungary ang tanyag na ‘Teqball’ na isang uri ng football-based sport na kahalintulad ng table tennis.

Sinimulan ng Hungary ang gender-based equitable game noong 2012 na maaring ng dalawa o apat na pares ng manlalaro.

“The sport follows a points-based scoring format and can be played on various surfaces such as sand, acrylic or indoors. It allows players a maximum of three touches before returning the ball to the opponent, so if you can juggle a football three times, you will excel at teqball,” bahagi ng pahayag ng EU.

Pinasimulan ang Teqball ng tatlong football enthusiast na sina Gábor Borsányi; György Gattyán; at Viktor Huszár.

Samantala ipapamalas naman ng Embassy of Finland ang larong Molkky na isang Finnish throwing game na kahalintulad ng bowling.

Ito ay hango sa salitang ‘polkky’ o ‘block of wood’ na pinasimulan ng Lahden Paikka – na dating Tuoterengas noong 1996.

“Mölkky is a game that requires both skill and precision, but also a strategical mindset,” anila.

Tanyag din ang Molkky World Championship na nilalahukan ng 200 teams taon-taon.

Bukod sa dalawang laro tampok din sa Euro Village ang iba’t ibang sining, musika,pagkain at inumin ng Europa.

Gayundin ang pagtuturo ng European language tulad ng French, German, Italian at Spanish.

Lalahok sa isasagawang Euro Village sa Capitol Commons Park sa Pasig City ang mga bansang Belgium, Czech Republic, Denmark, Germany, Spain, France, Italy, Hungary, the Netherlands, Poland, Austria, Romania at Finland habang may natatanging pagtatampok din ng kultura ng Ukraine bilang pakikiisa sa bansa na patuloy nakikipaglaban sa pananakop ng Russia

Katuwang ng EU sa programa ang Green Space, Scholars of Sustenance Philippines at EcoNest bilang kaisa sa pagtataguyod ng sustainable lifestyle at pagbabawas ng greenhouse emissions.

Bukas ang Euro Village mula alas kuwatro ng hapon hanggang alas dose ng hatinggabi na maaaring bisitahin ng publiko.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Libreng gamot para sa mental health

 64,543 total views

 64,543 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 82,877 total views

 82,877 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Nang marinig naman nila ang katarungan

 100,652 total views

 100,652 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 176,198 total views

 176,198 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

FUNCTIONAL ILLITERACY

 199,947 total views

 199,947 total views Bago matapos ang taong 2025…. At bago mag-adjourned ang Kongreso sa ika-20 ng Disyembre 2025, minamadali na ang pagtalakay at pag-apruba sa budget

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Dignidad ng tao, pundasyon ng moralidad

 41,819 total views

 41,819 total views Nanindigan ang Conference of Major Superiors in the Philippines–Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP-JPICC) at mga Mission Partners sa pagtatanggol sa

Read More »
Scroll to Top