IBON foundation, nababahala sa lumalalang kahirapan sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,777 total reads

Ipinapakita ng pinakahuling survey ng Social Weathers Stations (SWS) ang malalang kahirapan na nararanasan ng maraming pamilyang Pilipino.

Ito ang ibinahagi ng IBON FOUNDATION sa Veritas advocate kasunod ng S-W-S survey na umabot sa 10.9-million na Pilipino ang nagsasabing naghihirap ang kanilang pamilya.

Ayon kay Sonny Africa, Exeuctive Director ng Ibon Foundation, ito ang tunay na kalagayan ng ekonomiya taliwas sa ipinagyayabang ng pamahalaan na lumago ang credit ratings, gross domestic products at infrastructure sa bansa.

“Liban sa 10.9M na poor, ay may 8.6M borderline poor, ibig sabihin may 19.5M na sinasabing mahirap sila o kaya nasa alanganin. Halos 8 of ten (77%) ito ng pamilyang Pilipino,” pahayag ni Africa sa Radio Veritas.

Iginiit ni Africa na ang lumalalang kahirapan ay resulta ng kabiguan ng pamahalaan na tugunan ang masamang epekto ng pandemya sa ekonomiya na naging sanhi ng mabilis na pagtaas ng inflation rate ma naitala sa 4.9% noong nakaraang buwan ng Abril 2022.

Kumbinsido din si Africa na hindi sasapat ang wage hike na ipapatupad ngayong linggo upang maibsan ang kahirapan bunsod ng napakataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

“Ganito karami ang nagsasabing mahirap o borderline sila dahil sa pagbagsak ng hanapbuhay at pagsara ng daang-libong negosyo bunga ng masyadong paggamit ng lockdowns para kontrolin ang pandemya. Hindi ito nare-resolba kahit na sa sinasabing pag-reopen ng ekonomiya. Lalung pahirap ang pagbilis ng inflation nitong mga nakaraang buwan,” ayon pa kay Africa.

Unang ipinanalangin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kalagayan ng mga pamilyang nakakaranas ng labis na kahirapan ng dahil sa pandemya.

Upang tugunan ang kahirapan, inilunsad ng Caritas Manila ang ibat-ibang programa upang matulungan ang mga pamilya at indibidwal na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa higit 2-bilyong pisong pondo ang ipinamahagi ng Caritas Manila sa kanilang pandemic relief response sa ibat-ibang bahagi ng bansa bukod pa ang pandemic response ng mga institusyon, congregations, dioceses at archdioceses ng Simbahang Katolika sa mga pamilyang naghihikahos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 86,376 total reads

 86,376 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,262 total reads

 120,262 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 155,561 total reads

 155,561 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 381,831 total reads

 381,831 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 270,674 total reads

 270,674 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top