Ika-11 Season of Creation, bubuksan ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,881 total reads

Inaanyayahan ng Archdiocese of Manila Ministry on Integral Ecology ang mga mananampalataya na makibahagi sa pagbubukas sa ika-11 Season of Creation sa arkidiyosesis.

Magaganap ito sa August 31, 2024 mula alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa Lourdes School of Mandaluyong sa Mandaluyong City.

Mula alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali ay isasagawa ang poster making contest para sa para sa mga batang nasa kategoryang edad 6 hanggang 10 taong gulang na may temang “Kalikasan, Biyaya ng Diyos”; habang para sa mga edad 11 hanggang 18 taong gulang, ang tema ay “Umasa at Kumilos kasama ang Sangnilikha.”

Kasabay nito ay ang Forum na tatalakay sa mga paksa tulad ng Health and Environmental Impacts of Genetically Modified Organism (GMO); Pasig River Expressway (PAREX): Agree or Disagree?; Urban Biodiversity Audit/Labelling; 10 Million Solar Roofs, what’s my share?; at Workshop on Energy Audit.

Isasagawa naman mula ala-una hanggang alas-tres ng hapon ang workshop para sa First Aid and Rescue; Solar Lamp Assemblying; at Plastic Pollution effects and solutions.

Samantala, ganap na alas-5:30 ng hapon nama’y pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang banal na Misa sa Saint Francis of Assisi Parish sa Mandaluyong City, na susundan ng Walk for Creation in Solar Lamp.

Taong 2013 nang ilunsad nang noo’y Arsobispo ng Maynila, at kasalukuyang Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization Luis Antonio Cardinal Tagle ang Archdiocesan celebration ng Season of Creation, na layong hikayatin ang higit pang mga katoliko upang palalimin at palawakin ang kamalayan sa mga tungkulin bilang mga katiwala ng inang kalikasan.

Tema ng Season of Creation ngayong taon ang “To Hope and Act with Creation” kung saan una nang binigyang-diin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pangangailangan para sa magkakatuwang na pagkilos para sa nag-iisang tahanan.

Simbolo naman ng pagdiriwang ang “The First Fruits of Hope” na hango mula sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Roma.

Ipagdiriwang sa Pilipinas ang Panahon ng Paglikha mula September 1, kasabay ng World Day of Prayer for the Care of Creation, at magtatapos sa October 13, kasabay naman ng National Indigenous Peoples’ Sunday.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SIMPLENG LOHIKA

 10,356 total reads

 10,356 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 88,747 total reads

 88,747 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 133,057 total reads

 133,057 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 170,058 total reads

 170,058 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 276,841 total reads

 276,841 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 111,748 total reads

 111,748 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top