Ika-34 na Charity store ng Caritas Manila, nagbukas na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 508 total reads

Tiniyak ng pamunuan ng Caritas Manila ang pagpapalawak sa mga programa ng social arm ng Arkidiyosesis ng Maynila upang higit matulungan ang mga dukha sa lipunan.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila at pangulo ng Radio Veritas- pagtutuunan ng pansin ng institusyon ang mga programang makatulong mabawasan ang karukhaan sa bansa.

Ang pahayag ng pari ay kasabay ng pagbubukas sa ika-34 na sangay ng Segunda Mana Charity outlet sa Marikina City nitong ika-11 ng Pebrero.

Binigyang diin ni Fr. Pascual na mahalagang matugunan ang sektor ng edukasyon sa bansa sapagkat ito ang mabisang pamaraan upang matugunan ang kahirapan.

“Ang edukasyon talaga ang bibigyan natin ng pansin kasi ito ang susi na mabawasan ang mga mahihirap na Filipino,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Nasa limang libong kabataan ang tinutulungan ng Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP sa buong bansa na pangunahing tinutustusan ng Segunda Mana-ang donation in kind program ng Caritas Manila.

Mabibili sa mga charity outlet ang mga kagamitang tulad ng damit, bag, sapatos, mga gamit na pambahay sa abot kayang halaga na karamihan ay mga pull out items mula sa kilalang mga establisimiyento sa Kalakhang Maynila kaya’t hinimok ni Fr. Pascual ang mamamayan na bisitahin ang mga outlets ng Segunda Mana.

“Inaanyayahan ko ang mga Kapanalig na tangkilikin ninyo ang Segunda Mana dahil bukod sa nakabili ka na ng mga dekalidad na produkto, nakatulong pa sa mga scholars ng YSLEP,” dagdag pa ng pari.

Ayon naman kay Barry Camique, program director ng Segunda Mana, umabot sa 70.3 milyong piso ang kinita ng Segunda Mana noong 2019 habang sisikaping maabot ang 100-milyong pisong target ngayong taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 14,267 total reads

 14,267 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 100,574 total reads

 100,574 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 137,946 total reads

 137,946 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 169,206 total reads

 169,206 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 241,352 total reads

 241,352 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top