Impeachment complaint kay Sereno at Bautista, dapat bantayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 490 total reads

Hindi na mapipigilan ang dalawang impeachment complaint sa Kongreso laban kina Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno at Commission on Election Chairman Andres Baustita.

Ipinaliwanag ni Veritas 846 Senior Political Adviser Prof. Ramon Casiple, Executive Director ng Institute for Political and Electoral Reform, napaka-pulitikal ng proseso ng impeachment kung saan nakabatay o nakasalalay sa boto ng mga mambabatas kung sufficient in form and in substance ang inihaing impeachment complaint.

Dahil dito, marapat lamang bantayan ang mga kabuuan ng proseso at mga mga ihahaing ebidensya kaunay sa reklamo.

“Malaki ang chances niyan na magtuloy tuloy yan given yung mga super majority. Kung usapin lang ng may batayan tingnan natin kung may bago pero kung mga lumabas lang dun sa articles of impeachment mukhang malabo, ang problema sa impeachment napaka-pulitikal na process na dapat bantayan for the next few months…”pahayag ni Casiple sa panayam sa Radio Veritas.

Paliwanag ni Casiple, maituturing na napaka-pulitikal ng impeachment dahil sa nakasalalay sa mga mambabatas ang desisyon.

Sa ilalim ng Saligang Batas ang impeachment ay ang paraan ng pagpapaalis sa posisyon sa mga pinakamataas na opisyal ng bansa, kabilang na ang Presidente, Bise-presidente, Chief Justice at Justices ng Supreme Court at maging Chairman at Commissioners ng mga Constitutional Commissions.

May apat na pangunahing dahilan upang ipa-impeach ang mga opisyal kabilang na dito ang Treason o pagkampi sa kalaban ng bansa sa panahon ng giyera, Betrayal of public trust o pagtataksil sa tiwalang ibinigay ng taumbayan, Graft & corruption at anumang paglabag sa Saligang Batas.

Nagsisimula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang proseso ng impeachment kung saan uupo bilang piskal ang mga Kongresista na siyang magdedesisyon sa sufficient in form and in substance ang inihaing impeachment, kung mapatunayang sufficient in form and in substance ang naturang reklamo ay susunod naman sisiyasatin ang pagkakaroon ng matibay na ebidensya o kung may probable cause.

Matapos ito ay iaakyat sa Senado ang impeachment complaint kung saan magsisilbi naman itong Hukuman habang ang mga Senador naman ang mga Hukom na magsusuri at magdidesisyon sa kung nararapat bang tanggalin o hindi ang opisyal sa kanyang katungkulan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 78,290 total reads

 78,290 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 156,489 total reads

 156,489 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 189,936 total reads

 189,936 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 225,233 total reads

 225,233 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 448,625 total reads

 448,625 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top