1 total views
Sa Linggo ng Mabuting Pastol, sabay-sabay tayong umawit ng pasasalamat sa Diyos sa pagkakaloob ng bagong Santo Papa—si Papa Leon XIV, tanda ng patuloy na paggabay ng Panginoon sa kanyang Simbahan. Sa gitna ng ingay ng mundo, paanyaya sa atin ang kanyang unang mensahe: “Sumainyo ang kapayapaan.” Sa araw ding ito ng mga ina, na siyang mga pastol ng ating tahanan, nawa’y madama nila ang ating pagkilala at pagmamahal. Makinig tayo sa tinig ni Kristo, hindi sa tinig ng mundo, upang sa tunay na kaisahan ay ating matagpuan ang kapayapaan at pag-ibig na walang hanggan.