Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Indulhensya plenarya, igagawad sa mananampalataya sa pagdiriwang ng World Day of Grandparents

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,578 total views

Tatanggap ng Plenary Indulgence ang mananampalatayang makikiisa sa Banal na Misa sa pagdiriwang ng World Day of Grandparents.

Ayon sa Vatican, ipinagkaloob ng Santo Papa Francisco ang indulhensya alinsunod sa kahilingan ni Cardinal Kevin Joseph Farrel ang Prefect ng Dicastery for the Laity, Family and Life bilang pagkilala sa natatanging pagdiriwang para sa nakatatanda sa July 23.

“The Supreme Pontiff graciously grants from the heavenly treasures of the Church the Plenary Indulgence, to the usual conditions to grandparents, the elderly and all the faithful who, motivated by the true spirit of penance and charity, will participate on 23 July 2023, on the occasion of the Third World Day of Grandparents and the Elderly,” pahayag ng Vatican.

Pangungunahan din ni Pope Francis ang misa sa Papal Basilica sa Vatican sa natatanging pagkilala sa mga nakatatanda.

Ito na ang ikatlong taon ng pagdiriwang kung saan 2021 itinalaga ng Santo Papa ang ikaapat na Linggo ng Hulyo para sa World Day of Prayer for Grandparents and the Elderly ang pinakamalapit na araw sa July 26-ang kapistahan nina San Joaquin at Santa Ana na lolo at lola ni Hesus.

Ayon pa sa Apostolic Penitentiary makatatanggap din ng indulhensya ang mga bibisita sa mga may karamdaman.

“The Apostolic Penitentiary also grants the Plenary Indulgence on this same day to the faithful who will dedicate adequate time to visit in presence or virtually, through the media, elderly brothers in need or in difficulty (like the sick, the abandoned, the disabled…), “ ayon pa sa pahayag.

Tema sa pagdiriwang ngayong taon “His mercy is from age to age” na hango sa ebanghelyo ni San Lucas.

Hinimok din ng Vatican ang mga pari na maglaan ng panahon sa paggawad ng sakramento ng pagbabalik loob na sa isa sa mga kinakailangan upang matanggap ang plenary indulgence

Bukod sa kumpisal kinakailangan din ang pagdalo sa Banal na Eukaristiya, pagtanggap ng Banal na Komunyon, at pananalangin sa natatanging intensyon ng Santo Papa Francisco.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 85,272 total views

 85,272 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 107,335 total views

 107,335 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 123,031 total views

 123,031 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 129,331 total views

 129,331 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 187,358 total views

 187,358 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top