Ipalaganap ang pananampalatayang Kristiyano, panawagan ng Papal Nuncio sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 704 total reads

Hinimok ng kinatawan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Pilipinas ang mga Filipino na patuloy ipalaganap ang biyaya ng pananampalatayang tinanggap 500 taon ang nakalipas.

Ayon kay Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ito ang patuloy na paanyaya ng Panginoon sa bawat isa upang maging makabuluhan ang kristiyanismong tinanggap ng mga Filipino.

“Five hundred years after the first Mass was offered in this archipelago, the Church in the Philippines is invited anew to ‘go forth’ and become a community of authentic missionary disciples,” mensahe ni Archbishop Brown.

Ang pahayag ng nuncio ay kaugnay sa paggunita sa unang makasaysayang misa sa bansa na naganap sa Limasawa Island sa Leyte noong Marso 31, 1521.

Binati rin ni Archbishop Brown ang Diyosesis ng Maasin sa pangunguna ni Bishop Precioso Cantillas sa pagtitipon upang pasalamatan ang Panginoon sa biyaya ng pananampalataya.

Binigyang diin ng kinatawan ng Santo Papa na sa bawat pagdiriwang ng eukaristiya ay inaanyayahan ni Hesus ang bawat binyagan na ipalaganap sa sangkalupaan ang mga salita ng Diyos bilang pagbabahagi ng kaloob na kristiyanismo.

“The love of Christ, made present in every celebration of the Holy Mass, impels us to proclaim the Gospel we have received to all the world. It is in this sharing of the gift of faith with others that we can best express our thanksgiving to God who has loved us through His Son, Our Lord Jesus Christ, who suffered, died and rose again from the dead,” ani ng arsobispo.

Nakatakda si Archbishop Brown na manguna sa paggunita sa unang misa sa Limasawa Island subalit ipinagpaliban dulot ng mga limitasyon bunsod ng coronavirus pandemic. Sa halip nagpaabot ng pagbabasbas ang nuncio sa pamamagitan ni Bishop Cantillas sa mananampalatayang dumalo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 96,466 total reads

 96,466 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 173,515 total reads

 173,515 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 206,963 total reads

 206,963 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 242,263 total reads

 242,263 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 465,065 total reads

 465,065 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top