Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipaliwanag ang OVP budget

SHARE THE TRUTH

 45,598 total views

Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon. 

Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa mga tanong ng mga kongresista. Umpisa pa lang, sinabi na niyang hindi niya didepensahan ang kanyang budget sa pamamagitan ng question-and-answer format. Buwelta naman ni Congresswoman Stella Quimbo ng Marikina, ang presiding officer ng pagdinig, isa sa pinakamahalagang batas na sinusuri ng Kongreso taun-taon ang General Appropriations Act (o GAA). Ang GAA ang batas na nagpapahintulot sa paggamit sa kaban ng bayan, kaya’t kasama sa trabaho ng mga mambabatas na suriin ang budget ng mga ahensya. 

Nasanay siguro ang ating pangalawang pangulo na, gaya noong nakalipas na dalawang taon, inaaprubahan ang budget ng kanyang opisina nang walang pagtatanong. Noong isang taon, wala pang labinlimang minuto ay aprubado na ang OVP budget. Ngunit tila nagbago na ang ihip ng hangin sa Kongreso. Binubusisi na ng mga kongresista ang pondong hinihiling ng OVP, at dapat lang naman. 

Inungkat sa pagdinig ang notice of disallowance na inilabas ng Commission on Audit (o COA) sa 73 milyong pisong bahagi ng 125 milyong pisong confidential funds ng OVP noong 2022. Sa madaling salita, may iregularidad sa naging paggamit ng OVP ng budget nito. Kung mapatutunayang hindi tama ang naging paggastos ng opisina, dapat nitong ibalik ang nasabing pondo. Humingi ng paliwanag ang ilang kongresista tungkol dito, ngunit iginiit ni VP Sara na nakipag-ugnayan na sila sa COA. 

Hindi ikinatuwa ng mga kongresista ang paulit-ulit na pagtanggi ni VP Sara na magpaliwanag tungkol sa budget ng OVP. Para kay Alliance of Concerned Teachers Party-list Representative France Castro, mali ito. Karapatang malaman ng publiko kung paano ginagamit ng isang ahensya ng gobyerno ang pondong ipinagkatiwala rito. Sagot naman ni VP Sara, “one-sided” daw ang mga kongresista. Kinuwestyon pa niya ang kredibilidad ni Represenative Castro. Paliwanag naman Representative Bienvenido Abante ng Maynila, ang pagdinig ay tungkol sa budget ng OVP. Hindi raw maaaring magtanong ang VP bilang resource person na dapat ay nagpapaliwanag tungkol sa panukalang budget ng kanyang opisina. Matapos ang limang oras na pagdinig, hindi naaprubahan ang budget. Ipagpapatuloy ito sa susunod na linggo.

Kinikilala ng ating Simbahan ang prinsipyo ng hatian ng kapangyarihan (o separation of powers) sa pamamahala. Ibig sabihin, mahalaga ang pagbabalanse sa kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan. Magagawa ito kung matatag ang sistema ng checks and balances kung saan binabantayan ng mga sangay ng pamahalaan ang isa’t isa. Sa ganitong paraan, iiral ang batas, hindi ang kapritso ng mga nakaupo sa puwesto. Kung mangingibabaw ang batas, mas napapanagot ang mga lingkod-bayan sa kanilang mga desisyon at mga ginagawa. 

Malaking hamon kung ang mga lingkod-bayang katulad ni VP Sara ay tumatangging ipaliwanag kung paano nila ginagamit ang kaban ng bayan. Hindi nakatutulong ang pag-iwas niya sa pagtatanong ng mga kongresista na bahagi ng checks and balances. Tungkulin ng Kongreso na magsilbing guwardya ng taumbayan sa paggamit ng pera natin. 

Mga Kapanalig, ayon nga sa Catholic social teaching na Centesimus Annus, “Authentic democracy is possible only in a State ruled by law.” Sa madaling sabi, kung hindi nangingibabaw ang batas, ang kapangyarihan ay wala sa taumbayan kundi nasa kamay ng iilan. Ipinangako ng Diyos sa Isaias 49:25, “ililigtas [Niya] ang mga bihag ng makapangyarihan.” Kaya huwag tayong magpabihag sa mga makapangyarihan, lalo na sa mga walang pakialam sa interes ng publiko. Subaybayan natin ang susunod na pagdinig sa budget ng OVP. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 14,457 total views

 14,457 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 22,557 total views

 22,557 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 40,524 total views

 40,524 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 69,773 total views

 69,773 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 90,350 total views

 90,350 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 14,458 total views

 14,458 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 22,558 total views

 22,558 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 40,525 total views

 40,525 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 69,774 total views

 69,774 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 90,351 total views

 90,351 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 85,705 total views

 85,705 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 96,486 total views

 96,486 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 107,542 total views

 107,542 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 71,404 total views

 71,404 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 59,833 total views

 59,833 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 60,055 total views

 60,055 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 52,757 total views

 52,757 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 88,302 total views

 88,302 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 97,178 total views

 97,178 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 108,256 total views

 108,256 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top