VeritasPH

The Word, The Truth

Isabuhay ang gawain ni San Juan Bautista, hamon ng Obispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

 197 total views

Hinimok ng pinunong pastol ng Diyosesis ng Cabanatuan ang mananampalataya na higit palalimin ang pananampalatayang Katoliko sa paggunita ng mga Kapistahan ng mga Banal ng Simbahan.

Ito ang mensahe ni Bishop Sofronio Bancud sa kapistahan ni San Juan Bautista na gugunitain ng Simbahang Katolika sa ika – 24 ng Hunyo.

Ayon sa Obispo, mahalagang isabuhay ng bawat mananampalataya ang mga gawain ni San Juan Bautista na nagsakripisyo para sa Panginoon sa pangunguna ng paghahanda sa pagdating ni Hesukristo.

“Aking paanyaya para sa lahat ng mga deboto ni San Juan Bautista ay ating palalimin ang ating pananampalataya, pananampalatayang buhay, pananampalatayang handang makatugon sa hamon ng panahon,” pahayag ni Bishop Bancud sa Radio Veritas.

Hinamon ng Obispo ang mga mananampalataya na maging huwaran si Juan Bautista upang ang lahat ay makasusunod sa kalooban ng Panginoon.

Inihayag ni Bishop Bancud na ang pagdiriwang sa Kapistahan ay akma sa kasalukuyang panahon bilang kaisa ng Simbahan sa misyong paghahayag at pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon sa pamayanan.

“Sa ating pagdiriwang ng Kapistahan ni San Juan Bautista isa sa pinakamagandang debosyon sa ating mananampalataya; nawa’y matularan ang kanyang halimbawa ng pagtitika yung fast and abstinence ay dapat nating mapalawig ang paggamit nito sapagkat makatutulong ito sa atin sa pagiging mga alagad ng Panginoon,” dagdag pa ni Bishop Bancud.

Ipinagdarasal ng Obispo na tulad ni San Juan Bautista ay maging huwaran ang mga mananampalataya sa pagpapalaganap ng pananampalataya at pagkalinga sa kapwa.

Kaugnay dito, isasagawa ng Saint John the Baptist Parish sa Bibiclat Aliaga Nueva Ecija ang ‘Taong Putik Festival’ bilang pagpaparangal kay San Juan Bautista at pasasalamat sa Panginoon sa mga biyayang ipinagkaloob.

Ang pagdiriwang ay paggunita rin sa karanasan ng mga ninuno sa lugar na naligtas sa kamatayan sa kamay ng mga Hapon sa tulong ng Panginoon at sa pamamagitan ni San Juan Bautista noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Ito na ang ika – 75 taong ipagdiriwang sa lugar ang ‘Taong Putik Festival’.

Dahil dito inaanyayahan ni Bishop Bancud ang mga deboto ni San Juan Bautista at lahat ng mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan ng patron sa pamamagitan ng prusisyon sa madaling araw at pagdiriwang ng Banal na Misa sa alas 6 ng umaga sa June 24 na pangungunahan ng Obispo.

Ito ay pagpapakita na bukod sa paggunita sa tradisyon at kultura sa lugar ay pinahahalagahan din ang espiritwal na buhay.

“Nawa’y ang pagdedebosyon ay makapagdulot sa atin na magmasid, tumingin sa ating kapaligiran tingnan ang nagaganap sa ating lipunan at sa mundong ating kinabibilangan; higit sa lahat tumugon bilang buhay na saksi sa pananampalataya at alagad ng ating panginoong Hesus,” pahayag ng Obispo.

WATTAH WATTAH FESTIVAL

Samantala, ipagdiriwang naman ng lunsod ng San Juan sa Metro Manila ang ika – 16 na taon nang Basaan Festival o Wattah Wattah Festival bilang parangal kay San Juan Bautista.

Subalit ngayong taon tutukan sa lugar ang pangangala sa kalikasan kabilang na ang pagtitipid ng tubig dulot ng nararanasang krisis at pagpapalalim sa espiritwal na aspeto ng pagdiriwang.

Read: Renewing faith at pangangalaga ng kalikasan, mensahe ng Wattah Wattah festival

Si San Juan Bautista ang sugo ng Diyos na tagapagpakilala ng manunubos nang kanyang binyagan sa ilog ng Jordan ang pinsan niyang si Hesus.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 11,091 total views

 11,091 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 19,076 total views

 19,076 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 26,612 total views

 26,612 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 42,597 total views

 42,597 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 50,641 total views

 50,641 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mag-asawa, hinimok na maging huwaran sa mga anak

 2,569 total views

 2,569 total views Hinimok ng Archdiocese of Cebu Commission on Family and Life ang mga mag-asawa na magsilbing huwaran sa lipunan lalo na sa kabataan upang maisakatuparan ang habambuhay na pagsasama. Sa ginanap na ikawalong Archdiocesan Couples’ Day kasabay ng kapistahan nina Saints Louis at Zelie Martin ang magulang ni St. Therese of the Child Jesus,

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Kapayapaan, patuloy na ipinagdarasal ni Pope Francis

 2,643 total views

 2,643 total views Patuloy na ipinapanalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kaayusan at kapayapaan ng buong daigdig. Sa Angelus na pinangunahan ni Pope Francis hiniling nito ang pamamatnubay ng Mahal na Birheng Maria para sa kahinahunan ng puso ng mga biktima ng karahasan sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito rin ay kaugnay sa pagdiriwang ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa ika-5 AACOM

 5,728 total views

 5,728 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Cebu ang mananampalataya na makiisa sa ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, magandang pagkakataon ang pagtitipon upang magbuklod ang mananampalataya sa pag-asang dulot ng habag at awa ng Panginoon na ipinapadama sa sangkatauhan. “To hope is to believe in something good. But

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Day of prayer for WPS, isasagawa ng Archdiocese of Lingayen Dagupan

 5,736 total views

 5,736 total views Maglulunsad ng Day of Prayer for the West Philippine Sea ang Social Action Ministry ng Archdiocese of Lingayen Dagupan sa Pangasinan. Ito ang hakbang ng arkidiyosesis para isulong ang mapayapang pagresolba sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Ipinabatid ng St. John the Evangelist Parish sa Infanta Pangasinan na mahalagang palakasin

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inanyayahan sa National Fatima convention

 6,269 total views

 6,269 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima of the Philippines ang mananampalataya na lumahok sa isasagawang National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion. Isasagawa ito sa December 10, 2024 sa Mary Mother of Hope Chapel ng Landmark Trinoma sa Quezon City. “Marian devotees, members of church organizations (Fatima and

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Isabuhay ang halimbawa ng Birhen ng Antipolo, habilin ng Obispo sa mga deboto

 6,293 total views

 6,293 total views Nagpasalamat si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga debotong nakiisa sa pilgrimage season ng diyosesis sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Sa pagatatapos ng Ahunan sa Antipolo nitong July 9,binigyang diin ng obispo ang paalalang bukas-palad na tinanggap ng Mahal na Birhen ang bawat debotong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Aplikasyon na maging international shrine ang national shrine of St. Padre Pio, suportado ng CBCP

 7,315 total views

 7,315 total views Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang hakbang ng Archdiocese of Lipa na maging international shrine ang National Shrine of San Padre Pio sa Santo Tomas Batangas. Sa ginanap na press conference ibinahagi ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na sinang-ayunan ng buong kalipunan ang aplikasyon ng pambansang dambana

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Cagayan de Oro, nagpapasalamat sa matagumpay na 128th-CBCP plenary assembly

 7,455 total views

 7,455 total views Nagpasalamat ang Archdiocese of Cagayan De Oro sa Panginoon sa paggabay sa matagumpay na makasaysayang pagtitipon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Mindanao. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, biyaya ng Diyos ang pagkakataong ibinigay ng CBCP sa arkidiyosesis na pangasiwaan ang pagtitipon ng mga pastol ng simbahang katolika sa bansa. “We

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pastoral exhortation sa 5-dekada ng Alay Kapwa Program, hiniling ng Caritas Philippines sa CBCP

 7,462 total views

 7,462 total views Isinusulong ng Caritas Philippines sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpapalabas ng pastoral exhortation sa ikalimang dekada ng Alay Kapwa program ng simbahan. Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na mas pinalawak nito ang programang Alay Kapwa upang higit na makapaglilingkod sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 national shrines, itinalaga ng CBCP

 7,766 total views

 7,766 total views Inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagtalaga ng national shrine ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy sa Novaliches Quezon City at Diocesan Shrine of Our Lady of Assumption o Maasin Cathedral sa Leyte. Ginawa ang pag-apruba sa dalawang national shrines sa bansa sa unang araw ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 paring Cebuano, itinalaga ni Pope Francis sa Vatican

 10,142 total views

 10,142 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ang dalawang Cebuanong pari sa mga tanggapan ng Holy See sa magkakaibang lugar. Inihayag ng Archdiocese of Cebu ang pagtalaga ni Pope Francis kay Msgr. Jan Thomas Limchua bilang Counselor of the Apostolic Nunciature ng Kingdom of The Netherlands habang Attache ng Apostolic Nunciature of Ivory Coast naman

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Panalangin, hiling ng Obispo sa ika-128 CBCP plenary assembly

 10,658 total views

 10,658 total views Humiling ng panalangin ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa matagumpay na pagpupulong ng mga obispo sa Archdiocese of Cagayan de Oro. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino chairperson, Antipolo Bishop Ruperto Santos, mahalaga ang panalangin ng mananampalataya para sa makabuluhan at mabungang pagtitipon na makatutulong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagpapanibago ng puso ng mga taong nagsusulong ng digmaan, panalangin ni Pope Francis

 11,373 total views

 11,373 total views Hiniling ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus ang pagpapanibago ng puso ng mga taong patuloy na nagsusulong ng digmaan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ito ang bahagi ng panalangin ng santo papa sa lingguhang general audience sa Vatican sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo na tinaguriang Sacred Heart of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Parangalan si Pope Francis, panawagan ng Papal Nuncio sa mananampalataya

 14,211 total views

 14,211 total views Inaanyayahan ng opisyal ng Vatican ang mga Pilipinong makiisa sa taunang pagdiriwang ng Pope’s Day sa June 29, 2024. Sa panayam ng Radio Veritas kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, inihayag nitong ito ang pagkakataong gunitain sa pamamagitan ng panalangin ang malaking tungkulin na ginagampanan ng santo papa sa simbahang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan

 14,065 total views

 14,065 total views Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan sa lipunan. Ito ang pagninilay ng cardinal sa paglunsad ng Rosas ng Sampiro Festival sa Makati City nitong June 23, 2024. Ayon sa arsobispo, tulad ng Mahal na Ina na buong tapang na nanatili sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top