Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Isalba ang last ecological frontier ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 287 total views

Mga Kapanalig, muling nanawagan noong isang linggo sina Bishop Socrates Mesiona ng Apostolic Vicariate ng Puerto Princesa at Bishop Broderick Pabillo ng Apostolic Vicariate ng Taytay na protektahan ang kalikasan ng Palawan. Kasalakuyang humaharap sa banta ng pagkasira ng kalikasan ang Palawan dahil sa minahang planong simulan doon, partikular sa bayan ng Brooke’s Point. 

Kilala ang Palawan bilang “last ecological frontier” ng bansa dahil sa nanatili nitong masaganang likas-yaman. Ayon sa International Union for Conservation of Nature, nasa Palawan ang higit isandaang threatened species sa bansa. Sa bilang na ito, 67 ay endemic o matatagpuan lamang sa Pilipinas at 42 naman ay matatagpuan lamang sa Palawan. May mahigit tatlumpung species ng mangrove na bumabalot sa 44,500 na ektarya ng mangrove forest sa Palawan, ang pinakamalawak sa ating bansa. Nitong Enero lamang, isang bagong species ng puno ang nadiskubre sa Palawan. Itinalaga ito bilang “critically endangered” dahil kakaunti lamang ang mga ito at sa Palawan lamang matatagpuan.  

Bagamat alam ng lahat ang masaganang likas-yaman sa Palawan, patuloy ang banta sa pagkasira ang kalikasan doon dahil sa minahang nais simulan ng Ipilan Nickel Corporation (o INC) sa bayan ng Brooke’s Point. Dalawang taon na ang nakalipas nang umpisahan ng INC ang pagputol sa mga puno sa Brooke’s Point upang bigyang daan ang kanilang operasyon. Ayon sa isang irrigators’ association doon, lubha nang apektado ang kanilang mga pananim, lalo na ang mga palayan, dahil sa graba at iba pang gawain ng INC kahit na hindi pa man nag-uumpisa ang mismong pagmimina. Labis na ikinababahala ng mga residente ang pagkasira ng kanilang kabuhayan at pagbahang maaaring idulot ng magiging minahan. Dagdag pa nila, ngayon pa lamang, naging mas maputik na ang tubig na bumababa mula sa kabundukan papunta sa mga bahay at pananim.  

Bilang tugon, muling nanawagan noong isang linggo ang mga obispo at kaparian sa probinsya na itigil ang pagmimina sa isla. Hiling nila sa pamahalaang pigilan ang pagpapalawak ng operasyon ng minahan at gumawa ng batas laban sa pagbubukás ng mga bagong minahan. Sa halip na pagmimina, mas mainam daw na tutukan ng pamahalaan ang pagtataguyod sa agrikultura at turismo ng Palawan sapagkat higit na magiging kapaki-pakinabang ang mga ito sa mga komunidad doon. Nanawagan ang lokal na Simbahan ng Palawan na maging daan ang lahat ng sektor sa pagkakaisa upang maisakatuparan ang iisang layuning paunlarin ang buhay ng mga taga-Palawan at protektahan ang likas-yaman nito.  

Binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan ang tungkulin ng bawat isang protektahan ang kalikasan. Responsabilidad ng bawat isa sa ating siguruhing napapangalagaan ang kalikasan dahil ginawa ito ng Diyos para sa lahat at para sa pagkamit ng kabutihang panlahat o common good. Taliwas sa magandang plano ng Diyos ang pananamantala ng iilang interes o grupo sa mga biyaya ng kalikasan. Tandaan din nating ang pakikinabang sa kalikasan ay hindi lamang para sa kasalukuyang henerasyon ngunit para sa mga susunod pa.6 Malaking kawalan ng katarungan ang pagkakait sa susunod na henerasyon ng pagkakataong makita ang kagandahan ng kalikasan.  

Kaya naman, bagamat malayo tayo sa Palawan, kailangan nating alamin at unawain ang mga banta sa kalikasan ng Palawan. Samahan natin ang mga kababayan natin doon sa panawagang protekatahan ito. Huwag nating hayaang maubos at hindi na kailanman makita ng susunod na henerasyon ang mga threatened species na sa Palawan lamang makikita. Huwag nating hayaang malubog sa kahirapan ang mga kababayan nating maaapektuhan ng minahan.  

Mga Kapanalig, tayo ay “inilagay sa halamanan ng Eden, upang alagaan at ingatan ito”, wika nga sa Genesis 2:15.  Malaking pagtalikod sa tungkuling ito ang mabigong isalba ang “last ecological frontier” ng Pilipinas.   

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 18,430 total views

 18,430 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 48,511 total views

 48,511 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 62,571 total views

 62,571 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 81,005 total views

 81,005 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Kabiguan sa kabataan

 18,431 total views

 18,431 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 48,512 total views

 48,512 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 62,572 total views

 62,572 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 81,006 total views

 81,006 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 94,668 total views

 94,668 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 75,052 total views

 75,052 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 98,749 total views

 98,749 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 107,461 total views

 107,461 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 111,092 total views

 111,092 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »
1234567