Istraktura ng pamahalaan at bill of rights, prayoridad sa cha-cha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 923 total reads

Pagtatalaga at paghahati-hati ng mga miyembro ng Consultative Committee (Con-Com) sa sub-committees ang magiging unang prayoridad ng kumite upang matutukan ang mga pangunahing usapin na dapat suriin sa pag-amyenda ng 1987 constitution o Saligang Batas.

Ito ayon kay San Beda University Graduate School of Law Dean Father Ranhilio Aquino, isa sa mga itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte na miyembro ng Consultative Committee upang suriin ang 1987 Constitution.

Sinabi ni Father Aquino sa Radio Veritas na kabilang sa mga itinuturing ng kumite na ‘priority area of the revision’ sa Saligang Batas ang istruktura ng pamahalaan, ang pagkakahati-hati ng mga rehiyon, ang kapangyarihan ng mga opisyal ng pamahalaan, Bill of Rights at ang istruktura ng lehislatura, ehekutibo at hudikatura.

“This is a very important meeting because today we will be, we will sub-divide ourselves into sub-committees according to the priority area of the revision of the Constitution so for example: Structure of Government, the constituent the way the state of the regions will be constituent, the powers that will devolve to them, the structure of the legislature, executive and judiciary, the Bill of Rights practically the entire constitution…”pahayag ni Fr. sa panayam sa Radio Veritas.

Unang inihayag ng Pari na hindi ang mga itinalagang miyembro ng Con-Com ang magtatakda ng panibagong konstitusyon ng bansa sa halip ang tungkulin ng 25-member Consultative Committee bilang mga eksperto sa Saligang Batas ay suriin ito at makapagbalangkas ng naaangkop na hakbang para sa pag-amyenda ng 1987 Constitution.

Kaugnay nito batay sa Saligang Batas ang Contituent Assembly, People’s Initiative at Constitutional Convention ay ang tatlong paraan upang baguhin o amyendahan ang 1987 Constitution ng bansa.

Samantala matapos ang naging preparatory meeting noong ika-8 ng Pebrero ay napagdesisyunan ng kumite na puspusang isagawa ang pagsusuri sa Saligang Batas at matapos ang kanilang ulat at mga rekomendasyon bago ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ika-23 ng Hulyo.

Gayunpaman, unang nagpahayag ng pangamba si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. – isa sa mga framer ng 1987 Constitution na magdudulot lamang ang planong pagpapalit ng Federal Form of Government ng tunggalian, kompetensya at paligsahan sa mga mamamayan taliwas sa sinasabi ng mga nagsusulong sa panukala na pagkakaisa at pagpapa-unlad ng bansa.

Read: Constituent assembly, tinawag na “Convention of Asses” ng Obispo
Nangangamba din ang Association of Major Religious Association of the Philippines o AMRSP na magdudulot ng malaking epekto sa mga Pilipino ang charter change.

Read: Pagbabago sa Saligang batas, malaki ang epekto sa buhay ng mga Filipino

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 4,646 total reads

 4,646 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 39,980 total reads

 39,980 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 76,464 total reads

 76,464 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 94,675 total reads

 94,675 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 178,767 total reads

 178,767 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 38,872 total reads

 38,872 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top