iDEFEND, nanindigan laban sa cha-cha

SHARE THE TRUTH

 275 total views

Nagpahayag ng pagsuporta at pakikiisa ang human rights advocate group na In Defense of Human Rights and Dignity Movement (iDEFEND) sa panawagan at mensahe ng 9 na araw na pagkilos ng religious group na Gomburza upang mapaghandaan ang ika-32 anibersaryo ng Edsa People Power Revolution sa ika-25 ng Pebrero.

Ayon kay Ellecer Carlos, spokesperson ng iDEFEND, hindi nararapat na maisulong ang planong charter change ng mga mambabatas sapagkat maraming karapatan ng mga mamamayan ang maaring maisantabi na lamang.

Ayon kay Carlos, kaisa ng Gomburza ang iDEFEND sa layunin ng nakatakdang pagkilos na maipahayag ang pagtutol laban sa planong charter change na isinusulong ng mga mambabatas.

Giit ni Carlos, malaki ang magiging epekto sa lipunan at sa mga mamamayan kung tuluyang mabago ang nasa 9 na mga probisyon na may kaugnayan sa safeguards, basic rights at freedoms ng mamamayang Filipino.

“Ang layunin kasi nito is matutulan natin yung Charter Change kasi essentially itong Charter Change alam naman natin base sa pagsuri ng iba’t ibang grupo ay re-alignment ito ng elite so marami, siyam na probisyon mainly ang gusto nilang lusawin sa ating 1987 Constitution at ito yung mga safeguards and our guarantees on our basic rights and freedoms…”paliwanag ni Carlos sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, ang 9 na araw na pagkilos na nagsimula noong ika-17 ng Pebrero ay may titulong “Dasal at Ayuno Laban sa Cha-Cha, Para sa Demokrasya: Pag-amin, Pagtitika, Pagbabago at Pagkakaisa”.

Pinangungunahan ang pagkilos ng grupong Gomburza, isang national movement ng mga religious, diocesan priests, sisters at laity na nagsusulong katarungang panlipunan para sa mga mamamayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 21,732 total views

 21,732 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 63,946 total views

 63,946 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 79,497 total views

 79,497 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 92,726 total views

 92,726 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 107,138 total views

 107,138 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top