Itaguyod ang pagsusulong ng karapatang pantao-DILG

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,212 total reads

Naniniwala ang Department of the Interior and Local Government na ang pangangalaga at pagsusulong sa karapatang pantao ang saligan ng matatag at maunlad na republika.

Ito ang mensahe ni DILG Secretary Benjamin Abalos, Jr. sa paggunita sa National Human Rights Consciousness Week (NHRCW) 2023 mula December 4-10.

Ayon kay Abalos, ang paggalang sa karapatang pantao ay nangangahulugan ng pagbibigay ng karapatan sa bawat mamamayan para sa mga serbisyo ng pamahalaan, katarungan at kaligtasan mula sa anumang panganib, at pagtamasa ng kalayaan.

“Without respect for human rights, we can’t achieve lasting peace and genuine development,” pahayag ni Abalos.

Sa pangunguna ng Commission on Human Rights, ginugunita ang NHRCW ngayong taon na may temang “Dignidad, Kalayaan, at Katarungan para sa Lahat” na sumasalamin sa mayabong na adhikain ng Komisyon upang pangalagaan ang karapatan ng lahat.

Kasabay din nito ang ika-75 anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights (UDHR).

Samantala, hinimok naman ni Abalos ang lahat ng local chief executive na maglunsad ng mga programa bilang pagsuporta sa Human Rights Week upang matulungan ang mga kinasasakupan na higit na maunawaan ang tema ng pagdiriwang ngayong taon.

Gayundin ang apela sa Philippine National Police na igalang at pahalagahan ang karapatan ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng wastong pagpapatupad at pagsunod sa international human rights standards and practices.

“Patuloy tayong manindigan sa mandato ng pamahalaan na maging tagapagbantay at tagapagtaguyod ng karapatang pantao ng bawat Pilipino, anumang edad, kasarian, relihiyon, o antas ng pamumuhay,” saad ni Abalos.

Patuloy naman ang paninindigan ng simbahan sa pagsusulong para sa pantay na karapatan ng bawat mamamayan tungo sa pagkakaroon ng mapayapang lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 7,126 total reads

 7,126 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 42,346 total reads

 42,346 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 78,830 total reads

 78,830 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 97,041 total reads

 97,041 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 180,987 total reads

 180,987 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 81,437 total reads

 81,437 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top