Italaga ang sarili sa birhen ng Guadalupe, paanyaya ng CBCP sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,526 total reads

Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na italaga ang sarili sa Mahal na Birhen ng Guadalupe kaugnay ng pagbisita sa bansa ng Madre Peregrina de Guadalupe mula Mexico ngayong taon.

Sa inilabas na pastoral exhortation, sinabi ni CBCP President at Lipa Archbishop Gilbert Garcera na ang pagdating ng pilgrim image ay pagkakataon upang mapalalim ang pananampalataya at debosyon ng mga Pilipinong Katoliko.

“During her visit to churches across our nation, we are called by Our Lady of Guadalupe to consecrate ourselves to her as our Blessed Mother,” ayon kay Archbishop Garcera.

Mula June 13 hanggang December 12, 2026, bibisitahin ng replica image ng Our Lady of Guadalupe at ng imahe ni San Juan Diego ang iba’t ibang katedral, dambana at mga parokya sa bansa bilang bahagi ng pandaigdigang paghahanda para sa ika-500 anibersaryo ng mga aparisyon ng Birhen ng Guadalupe sa 2031.

Ayon pa sa CBCP, layunin ng pagbisitang ito na palalimin ang pakikipagtagpo ng mga mananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng Mahal na Birhen at buhayin ang pananampalataya ng Simbahan.

Binigyang-diin din ni Archbishop Garcera ang tunay na layunin ng paglalakbay ng banal na imahen sa bansa.

“This visit aims to bring us, Filipinos, closer to Our Lord Jesus Christ and our Blessed Mother,” dagdag ng arsobispo.

Ang pagbisita ng Madre Peregrina de Guadalupe ay bahagi ng Novena Intercontinental Guadalupana, isang pandaigdigang programa ng debosyon na naghahanda para sa paggunita sa limang siglo ng Guadalupan Event sa taong 2031.

Pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagbubukas sa pilgrimage tour ng imahe sa June 13 sa isang misa sa Manila Cathedral ganap na alas 3 ng hapon.

Tampok din sa sa pilgrim tour ang pagbisita ng imahe sa Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception sa Ozamiz City sa July 6 hanggang 8 kung saan magbubuklod ang lahat ng mga obispo sa Pilipinas para sa kanilang plenary assembly.

Noong 2001, ginawang obligatory memorial ng CBCP ang December 12, ang araw ng kapistahan ng Our Lady of Guadalupe, habang noong 2002 naman, kinilala ito bilang “Pro-Life Patroness of the Philippines” bilang tugon sa pandaigdigang kilusan na ipagkatiwala sa kanyang pangangalaga ang mga unborn children.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 63,415 total reads

 63,415 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,306 total reads

 142,306 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 175,751 total reads

 175,751 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 211,050 total reads

 211,050 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 435,009 total reads

 435,009 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top